THIRD PERSON "Hindi ka pa kumain?" sabi ni Nosgel ng makita niyang tumayo na si Enzo. "Ikaw na kumain ng lahat ng yan, nakakawala ng gana na makita ka." insulto ni Enzo kay Nosgel. "Siya nga pala, dahil wala ng katulong dito sa bahay, ay ikaw na lahat gagawa ng trabaho dito. Gusto ko pag dating ko sa hapon ay may nakaluto ng pagkain at ayaw kong marumi na dadatnan itong bahay. Hindi ka pwede pumasok sa kwarto ko ng wala akong pahintulot. At huwag na huwag kang makikialam sa mga gamit dito sa bahay, baka may masira ka mas mahal pa yan sa pagkatao mo." muling sabi ni Enzo. Hinayaan lang ni Nosgel na magsalita ng magsalita si Enzo, hindi na siya sumagot para wala na sila pag awayan. Tinalikuran na siya ng binata at naglakad paakyat sa silid nito, iniligpit naman ni Nosgel ang pagkain na na

