THIRD PERSON. Umaga na ng magising si Nosgel na wala kahit isang saplot at masakit ang gitnang bahagi ng kanyang katawan. Pilit na idinidilat ang kanyang mga mata, ramdam niya sa sakit ng kanyang kaselanan na parang pinupunit. Napakunot ang noo niya ng makitang wala siyang kahit ano mang damit na suot. Kahit sobrang bigat ng kanyang pakiramdam ay pinilit niyang bumangon. "Anong ginawa ko? Nosgel, isipin mo anong nagyari kagabi?" Naluluha niyang tanong sa kanyang sarili. Pilit niyang hinanap ang mga damit niya at isa isa iyong sinuot, palabas na sana siya ng kwarto ng biglang mag salita si Enzo. "Thank you for a wonderful night with you. Did you enjoy what you planned?" sarkastikong sabi ni Enzo. "Anong plinano? Anong sinasabi mo?" takang tanong niya. "Diba, plinano mong may mangyari

