LORENZO / ENZO Naging maayos ang pagsasama namin ni Nosgel, nakipag ayos ako sa kanya dahil gusto kong bigyan ng pagkakataon ang relasyon namin. Masaya ako na kasama siya at inaalagaan siya, tama si Mommy kailangan ko lang bigyan ng pagkakataon ang sarili ko na makilala siya at makita ang magagandang katangian niya. Naawa ako sa kanya ng makita ko siyang nilalagnat sa bodega, hindi ko akalain na makakaya ko siyang ikulong at pabayaan siya doon mag isa. Gusto kong bumawi sa kanya, gusto ko siyang alagaan. Nag leave ako sa trabaho ko para ako ang personal na mag alaga sa kanya habang may sakit siya. Nag usap kami ng masinsinan ng magising siya at nangako ako na babawi ako sa kanya, at gagawin ko yon para mapatunayan ko na totoo ang sinasabi ko. Pinayuhan din ako ng doctor na ipacheck up

