NOSGEL Nagising ako na nasa isang magandang silid, masakit ang katawang at may benda ang braso at ulo. Hindi ko alam kung paano ako na punta dito, ang huling natatandaan ko ay tumatakbo ako palabas ng bahay habang malakas ang ulan Inilibot ko ang aking paningin sa paligid at nakita ko na may mga kasama pala ako dito sa loob. Medyo malabo lang ang paningin ko kaya hindi ko sila masyadong mamukaan. "Anak, Nosgel, gising kana pala?" narinig kong sabi nang isang pamilyar na tinig. Ang ibig sabihin ay narito si nanay sa silid na ito. "Nay?" alanganing sabi ko. "Nosgel, anak nandito lang si Nanay." narinig kong sabi niya sa akin. "Nay bakit po hindi kita masyadongmakita, parang ang labo po nang mata ko." daing ko ky nanay. "Levi, please call the doctor immediately." isa pang boses nang b

