NOSGEL Masakit sa akin ang naging pag uusap namin ni Enzo, hindi ko napigilan ang sarili ko. Siya ang sinisisi ko sa lahat nang masasakit na nangyari sa buhay ko. Kung sana kaya ko lang ibalik ang lahat sa dati, hindi na lang sana siya ang lalaking minahal ko. Pero wala na akong magagawa, nang dahil sa isang gabing pagkakamali nag bunga ito ng isang sanggol na wala namang kasalanan sa nangyari sa akin. Mas gugustuhin ko pang maghiwalay kaming dalawa kesa umasa na magbabago siya at mamahalin niya rin ako. Ngayong malaya na siya, makakapag umpisa na rin ako kasama ng pamilya ko at ng magiging anak ko. Ang mga luha sa aking mga mata ay patuloy na umaagos, hindi madali ang bumitaw sa isang kasal lalo na kung umasa ka na ito ay pang habambuhay na. Pero kakayanin kong bumangon para sa anak ko

