NOSGEL Nakatulong sa akin ang pakikipag usap kay Nanay, ngayon mas naliwanagan ang isip ko. Tama si Nanay kailangan kong ipaglaban ang pamilya ko. Habang kumakain kami nang hapunan ay nakarinig kami ng katok mula sa pinto, wala kaming inaasahan na bisita kaya nagtataka ako kung sino ang nakatok. Tumayo si Nanay para tignan kung sino ang tao sa labas. "Magandang gabi po Nay, narito po ba ang asawa ko?" narinig kong tanong ni Enzo kay nanay. Ano kayang ginagawa dito ng buset na yon, ang lakas ngn loob na pumunta dito at magpakita pagkatapos nang ginawa niya. "Tuloy ka iho, halika at saluhan mo kaming maghapunan. Ang asawa mo ang nagluto kaya pihadong magugustuhan mo ang ulam." narinig kong sabi ni Nanay. Lumapit sa amin si Enzo at dumiretso sa lababo para mag hugas ng kamay niya. Hin

