NOSGEL "Levi! Tulungan mo ako may humahabol sa akin," hinihingal kong sabi sa kaharap ko. "Halika, sumakay kana dito sa kotse ko." sabay bukas niya nang pinto at pinapasok ako. "Ano bang nangyari sayo? Paano ka napunta dito? Sino yung lalaking 'yon?" sunond-sunod na tanong sa akin ni Levi. Abot - abot pa din ang kaba ko at hindi ako makapag salita nang maayos. "H-hindi ko alam..." umiiyak kong sabi. "Gusto mo ba na ireport natin sa pulis itong nangyari." Tanong niya sa akin. Mas lalo akong kinabahan paano kung balikan ako at mas manganib pa ang buhay nang anak ko. "Hindi na siguro, kailangan kong tawagan ang asawa ko para malaman niya ang nangyari sa akin." umiiyak kong sabi, saka ko kinuha ang telepono sa aking bag at pinindot ang number ni Enzo. Ring lang nang ring at hindi niya

