CHAPTER 1

1100 Words
"Good morning, Lord, good morning, World. Good morning, Pelepens!" masayang bati si Nosgel. Maaga siyang gumising ngayon kailangan niyang pumunta kay aling Bebang para mag angkat ng sampaguita. Araw ngayon ng lingo, sideline ni Nosgel ang magtinda ng sampaguita sa Baclaran dahil madaming mga deboto ang sumisimba kapag araw ng Lingo. Alas singko pa lang ay umalis na si Nosgel sa kanilang bahay para kunin ang order niyang sampaguita kay Aling Bebang. Bente dos anyos na sya ngayon pero dahil hindi nakapagtapos ng pag aaral ay nahihirapan siyang makapasok ng trabaho. "Aling Bebang, okay na po ba ang sampaguitang paninda ko!" malayo pa'y sigaw nya na sa aleng abala naman sa pagtutuhog ng sampaguita. "Ineng, kanina pa nakaayos ang paninda mo, halika't kuhain mo doon sa loob. Hindi na ako mkatayo ikaw na lang ang pumasok." tugon naman ng ale. Magliliwanag na ng makarating siya sa Baclaran Church, agad siyang pumuwesto sa lugar kung saan madaming dumadaan na mga tao. Walang pakialam ang dalaga sa mga kasama niyang nag titinda kahit agawan niya ang mga ito ng pwesto basta ang gusto niya ay madami siyang pagbebetahan at malaki ang kita niya. "Nosgel, ano kaba alam mo ng dito ako nakapwesto sisingit kapa!" inis na sabi ng malditang si Boninay. "Bakit? Kailan mo pa nabili ang pwesto na to? Wala akong nakikitang nakalagay na pangalan mo kaya hindi sayo to!" mataray din na sagot sa kanya ni Nosgel "Sampaguita.... Bili na po kayong sampaguita. Kuya! Dito kana po sa akin bumili kasing fresh ko po ang tinda ko." tawag ni Nosgel sa lalaking bibili sana kay Boninay. Agad naman lumapit sa kanya ang lalaki at nakangiting bumili sa kanya. "Oo nga, miss, fresh kana maganda pa kaya pati paninda mo maganda din." papuri naman ng lalaki sa dalaga. Malaki talaga ang pasasalamat ni Nosgel dahil nabiyayaan siya ng magandang mukha at magandang hubog ng katawan. Lalo pang nagpatingkad ng ganda niya ang pagiging maputi niya. Kaya nagagamit niya ito kapag nagtitinda siya dahil mas madaming bumibili sa kanya lalo na mga kalalakihan na gusto siyang makilala "Talaga naman kuya, kaya sa akin na kayo bumili at tyak gaganda ang araw ninyo pag ang ganda ko ang nasilayan ninyo!" malakas niyang sigaw. Agad na naglapitan sa kanya ang ilang kalalakihan para bumili ng sampaguita kaya tuwang tuwa si Nosgel. Mabilis siyang makakapaubos ng paninda niya pag nakataon. "Nosgel, pwede ba doon ka pumuwesto, lumayo layo ka sa akin pakiusap lang. Hindi ako nakakabenta kapag katabi kita." Reklamo sa kany ni Boninay. "Bakit ba ako ang pinag iinitan mo? Kasalanan ko bang maganda ako, mag isip ka din kasi ng strategy hindi yung nakasimangot ka lang jan. Hindi kana nga maganda sisimangot kapa tingin mo may bibili sayo. Kung wala kang panlaban na ganda daanin mo sa talent, ganurn." mahabang litanya ni Nosgel kay Boninay. Bago pa mag alas onse ay napaubos na ni Nosgel ang mga paninda niyang sampaguita masaya siyang nag lalakad ng makasalubong niya ang kanyang kaibigan na si Kath. "Bakla, saan lakad mo?" tawag nito sa dalaga. "Magreremit kay aling Bebang, bakit?" balik tanong niya sa kanyang kaibigan. "Gusto mo bang sumama mamaya sa akin may sideline tayo." "Saan naman yan at anong trabaho? Alam mo naman na basta pagkakakitaan ay labarn ako jan." masaya naman nitong tugon sa kaibigan. "Taga serve lang ng pag kain sa isang mayamang pamilya, may handaan kasi sa kanila kaya kailangan nila ng serbadora. Malaki ang bayad kaya sumama kana. Malay mo doon muna makita ang "Man of your dream"" malandi namang sagot ni kath sa kanya. Nagkasundo sila na susunduin siya ni Kath bago mag alas sais ng hapon sa bahay nila at sabay na silang pupunta sa trabahong sinasabi ni Kath. "Mukang malaki ang kikitain ko ngayong araw, matutulungan ko si nanay sa pagbabayad ng kuryente at may matitira pang pambili ng gamot ni C-jay" kausap ni Nosgel sa kanyang sarili. Nang matapos siyang mag remit kay Aling Bebang ay dumaan na siya sa isang karendirya para bumili ng ulam nila sa pananghalian. Ganito ang araw araw na buhay ng dalaga literal na isang kahig isang tuka. Kung hindi siya kikilos ay tiyak na magugutom sila. Meron siyang mga magulang pero hindi niya na inaasahan dahil ang tatay niya ay hindi na makapagtrabaho simula ng maaksidente ito sa jeep na minamaneho niya. Ang kanyang ina naman ay isang labandera na kung wala din tatawag na magpapalaba ay wala ding kita. At ang malaking problema niya ay ang bunso niyang kapatid na may sakit sa puso kaya hindi niya din maasahan na tumulong sa kanya. Sa kabila ng kahirapan ng buhay nila Nosgel ay nananatili siyang masaya at positibo sa buhay. Wala sa bokabularyo niya ang salitang pag suko. Kaya kahit anong trabaho at kahit anong hirap basta marangal at pwedeng pagkakitaan pinapasok niya. Mahal na mahal ni Nosgel ang pamilya niya para sa kanya kaya niyang gawin lahat basta para sa ikabubuti ng magulang at kapatid niya. "C-jay, nasaan si Nanay?" tanong nito sa kanyang kapatid sabay abot ng ulam na binili niya. "May labada po siya ngayon ate, baka mamaya pa siya uuwi." "Ihanda muna yang ulam at magsandok kana, magpapahinga lang ako at mamaya may raket na naman ako kasama si Kath." utos niya sa kanyang kapatid. Pumasok na siya sa kanyang silid at nahiga, balak niya munang magpahinga at matulog para mamaya ay may lakas siya pag sinundo na siya ni Kath. Dahil sa pagod ay hindi niya namalayang nakatulog pala siya, hapon na nang magising siya. Dali - dali siyang tumayo sa papag at pumunta sa munti nilang kusina. Binuksan ang mga platong nakatakip sa mesa at saka kumain. "Anak, nahihiya man ako sayo pero baka may pera ka pa jan. Wala na kasing gamot ang kapatid mo baka sumpungin na naman siya pag hindi siya makainom." nahihiyang sabi ng kanyang ina. Agad na dumukot si Nosgel sa kanyang bulsa at kinuha ang 500 pesos na kinita niya kanina sa pagtitinda at iniabot ito sa kanyang ina. "Pasensya na po, Nay, ayan pa lang ang kinikita ko. Mamaya po may raket kami ni Kath bukas mababayaran ko na ang kuryente natin." nakangiti niyang sagot sa kanyang ina. "Laban Nosgel, para sa ekonomiya, laban hanggang yumaman." sabi ni Nosgel sa kanyang sarili. Sa tuwing nakakaramdam siya ng panghihina ay paulit ulit niyang sinasabi sa kanyang sarili na laban lang. Hindi sa pagiging mahirap natatapos ang lahat naniniwala siyang kapag masipag ka at nag sisikap may pagkakataon ka upang umangat ang buhay. Kaya araw araw siyang kumakayod dahil alam niya balang araw aangat din ang buhay ng pamilya niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD