Eleven

992 Words
Chapter Eleven "I do." Walang pag-aalinlangang sagot ko sa lalaki. Kapag tapos naman na ang misyon ko, pwede ko naman na itong itumba. Nakuha ko na ang yaman ng family ko, mamamana ko rin ang yaman ng taong ito. Napakatalino ko talaga. Nakita ko sa mukha nito ang relief sa naging sagot ko. Kasama nito si M, ang secretary nito. Ito ang isa sa tumayong witness sa kasalanan ito. Narito rin si Tori na s'yang ipinadala ni Lady A. Ipinakilala ko kay Kris ang taong ito bilang kaibigan ko sa America. Legal ang kasal na ito. Kung hindi ko s'ya makuha sa divorce, sa sementeryo ko na lang ibabagsak ito. Tapos kunwari'y iiyak ako. "You evil witch. Sa pagkakangisi mo kanina ay tiyak akong masama ang iniisip mo." Mariing ani ni Tori na napahilot sa sintido n'ya. Ngayon lang kami nakapagsolo nito. Napabungisngis ako, napakahinhin ng kilos 'de puta. Akala mo naman banal. Hindi ko nga alam kung paanong mabilis kong napagpapalit-palit ang katauhan ko, eh. From mahinhin to a seductive vixen. "Iniisip ko kung paano e-execute ang kamatayan ng 'asawa' ko. Malaki ang makukuha ko sa kanya, bukod sa mukha s'yang malaki." Mabilis na napitik ni Tori ang noo ko. "Ouch!" natatawang ani ko rito. "Ano nang susunod na plano?" seryosong tanong nito. Ano pa bang bago sa babaeng ito? Mas madali pa ngang ka-bonding si Teri kay sa rito kay Tori. "Syempre after wedding, honeymoon naman. You know the drill." Nakangising ani ko rito. Mas lalo tuloy nalukot ang expression ng mukha nito na malakas kong ikinatawa. So funny talaga lagi ang reaction ng taong ito. "Your so disgusting." "Hoy, maka-disgusting ka naman d'yan akala mo hindi nanonood ng bold." "Dati 'yon. Saka ikaw rin naman ang may kasalanan. Pinag-trip-an mo ako. Sino ba naman kasing naglagay ng clue sa isang s*x video? Ikaw lang 'yon, Islah. Huwag mo akong pinagloloko." Natatawang tinapik ko ang balikat nito. "Gusto mo bang sumama sa rest house n'ya? Panoorin mo kaming mag-honeymoon doon." Pasimpleng kinurot nito ang tagiliran ko saka basta na lang umalis. Tinatawag ko ito pero iniwan na ako. "Saan s'ya pupunta? Hindi ba s'ya sasama sa dinner?" tanong ni Kris na inakbayan ako. Ayos lang naman sa akin 'yon, lalo't sa aming dalawa mas gusto kong magkaroon nang malisya ang kilos nito. Hindi romantically ha, libog lang talaga ito. Promise! "'Wag na lang din nating ituloy. Punta na tayo sa rest house mo. Mag-take out na lang tayo ng pagkain. Yayain mo na lang si M kung gusto mo." "No way, mas pipiliin kong yayain na lang si Cindy sa condo ko." Ani ng secretary ni Kris. "Alis na kami, ikaw na munang bahala sa mga bagay na kailangan asikasuhin." Sabi ni Kris sa secretary nito. Mabilis namang tumango ang lalaki. Pina-check ko na rin ang background ng taong ito. Malinis naman at talagang maaasahan ni Kris pagdating sa plano nito at sa negosyo. Ilang days lang naman kaming mananatili sa rest house. Maghahanda lang dahil sa pagbalik namin sa siyudad ay simula na ang impyerong plano kong ibigay sa mga taong sumira sa buhay ni Mama. Bumyahe kami kaagad pagkatapos magpaalam ni Kris kay M. Sa sasakyan pa lang pansin ko na ang pananahimik ni Kris habang nagmamaneho. "Ang tahimik mo. Kung iniisip mo ang mga babae mo na posibleng maapektuhan ng kasal sa pagitan natin, don't bother yourself. I'm cool with it. Hindi naman natin mahal ang isa't isa." At iyon ang pinakahuling bagay na pwede kong maramdaman dito. Pero ang una talagang naramdaman ko rito ay libog. Libog-libog lang. No love involved. "No, kasama kita sa mga plano ko. I respect you." "How about your sexcapade? Diet ka?" nakangising ani ko rito. "I'll stop, hanggang sa mapawalang bisa ang kasal natin." Ani ng lalaki na ikinatawa ko. "Sure ka?" ang palad ay dumapo sa hita nito. "Stop being naughty, Isaia. I know you're not that kind of girl. I respect you." Ani nito. Pero kitang-kita naman ang pag-igting ng panga nito. "Never kang susubok sa akin?" ngising-ngisi na ani ko rito. "Never." "Let's see then, kapag hindi ka nilabasan maniniwala akong never kang magkakainteres sa katawan ko." Malawak ang ngising ani ko rito. "What kind of sh*t is that?" gulat na ani ng lalaki. "I can be your b***h sometimes, sometimes lang dahil 'di ko pa sure kung papasa ba sa akin ang hotdog mo." "My hotdog?" nanlalaki ang butas ng ilong nito sa labis na shock. "Yes, your hotdog. Is that big?" "Holy cow, Isaia! Stop it." Mariing saway nito. Tiyak kong naaapektuhan na ito dahil sa panaka-nakang ayos nito nang upo. Gusto ko nang tumawa kanina pa. Pinagtri-trip-an ko lang naman talaga s'ya. Isa ito sa mukhang kawiwilihan ko sa marriage na ito. I'm not sure kong legit ang blue balls pero tignan natin. Hinaplos ko pa ang hita nito. Kagat-kagat ko ang ibabang labi ko sa paghahangad na pigilan ang tawa ko. I'm really enjoying it. Lalo't mukhang affected talaga ito. "Huwag mo akong simulan, Isaia. Baka pagsisihan mo." "Depende, mukha namang maliit 'yan so wala naman yata akong dapat pagsisihan." Ani ko rito. Lieeee, mukhang malaki, mukhang juicy kahit hindi ko pa nakita. Gusto ko lang talagang malaman kung hanggang saan ang pasensya nito habang patuloy pa rin naming binabaybay ang daan patungo sa rest house nito. "Damn!" hirap na hirap na ani ng lalaki. Shock ang naging reaction ko at nauwi sa malakas na pagtawa pagkatapos nitong ihinto ang sasakyan. Wala namang sasakyan kaming kasunod or dumaraan. Binaklas ang suot nitong belt. Nasa kilos ang pagmamadali, ang mas lalo ko pang ikinaloka ay nang ilabas nito ang ebidensya na hindi ito basta-bastang binibiro pagdating sa bagay na 'yon. Iniangat nito ang pang-upo at ibinaba ang pants and brief nito. "I'm so f*cking tired of your dirty jokes. Suck me then." Blanko ang expression ng mukha ni Kris. Habang ako, bagsak ang panga ngayon at hindi na magawang tumawa. Sh*t, para akong namatanda.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD