In Danger

1531 Words
DYING INSIDE TO HOLD YOU #28 Malalim na ang gabi ng matapos at mapagod silang lahat. " Lets go to sleep, little grass! Baka makasama na sayo, its almost midnight now!" yaya ni Nathan sa dalaga. Tumango siya at kumapit na siya sa braso ng binata. " Hey folks! Mauuna na kami," paalam nito sa mga kasama nila. " Asus! Apurado ka lang eh, para maka-score!" kantiyaw na sagot ni Rayver. Ngumisi si Nathan at medyo namula ito. " Inggit ka lang, ulol!" Natatawang tugon ni Nathan kay Rayver. " Hayaan mo na at baka maexpired ang punla niya, ma-poison si Grasya." Sabad ni Matthew. " Ungas!" Baling ng binata ngunit namula ito. Nahihiya namang ngumiti si Grace. " Uy Nathan! May laman na 'yan, balak mo pa yatang sundan agad." Patuloy na panunukso ni Rayver. Tumawa silang lahat. " Iwanan na nga natin 'yang dalawang, damuhong!" baling ng binata sa kanya saka na sila lumayo at pumasok na sa bahay. " Saan ka, matutulog little grass?" Tanong ng binata habang nakaakbay siya dito. " Siyempre, sa kwarto namin ni Tita." Sagot ng dalaga. " Hindi ba pwedeng, sa kwarto ko?" Bulong nito. " Ano ka? Baka hanapin ako ni Tita!" Dilat niya dito. Sumimangot ang binata at hindi umimik. " Lipat ka na lang 'pag, mag- uumaga na!" ungot pa rin niya. Hindi alam ni Grace ang isasagot. " Baka mahuli tayo," nag- aalalang tugon niya dito. " Im ready," sagot ng binata na talagang seryoso ito. Wala siyang nagawa ng hilahin siya ng binata sa kanyang kwarto. Agad siyang niyakap ng binata pagkapasok nila. " Antagal kong inasam ito, na tabi tayo matulog." Masayang sabi ni Nathan. Nginitian niya ito. " Ako din," sagot niya. Sabay na silang humiga sa kama, nakaunan ang dalaga sa mga bisig ni Nathan. Kumilos ang dalaga paharap dito at niyakap niya ang kanyang mga kamay sa katawan ng binata. "Little Grass," sabi nito. " Hmmmm," ungol ng dalaga. " Are you happy?" Tanong ni Nathan. " Super!" antok na sagot ni Grace. Tiningnan ito ni Nathan, nakapikit na pala. Ngumiti ang binata at hinagkan ang dalaga sa kanyang ulo. Marahil ay napagod ito maghapon. Papagurin niya sana magdamag dahil first time nila matulog na magkatabi kaya lang, nakatulog na ito. Hinaplos niya ang buhok nito at pumikit na rin siya. Kinabukasan. Maagang nagising si Nathan dahil nakagawian na niya iyun. Pinagmasdan niya si Grace na mahimbing na natutulog sa kanyang kama. Napakaganda talaga niya, aniya sa kanyang isipan hinagkan niya ito sa pisngi at lumabas na siya. Madilim- dilim pa ang paligid ng lumabas siya, iilan pa lang ang gising sa kanila. Nagpatimpla siya ng kanyang kape at pumunta siya sa kubo. Nagulat siya ng makitang naroon si Louella nakaduyan. Nilapag niya ang kanyang kape sa mesang naroon. Biglang tumayo si Louella at lumapit saka mahigpit siyang niyakap. Gulat si Nathan sa ginawa ng dalaga. " Let go of me, Louella!" wika niya dito at pinipilit niyang inalis ang mga kamay ng dalaga. " No! I cant live without you," hikbi nitong sabi. " Let go of me!" ulit ng binata. " Say that, you still love me Nathan. You still love me," umiiyak nitong samo at tumingin ito sa mukha ng binata. " Enough! Louella, let go of me," matigas na ring turan nito at inalis niya ang pagkakayakap sa kanya ni Louella. Saka niya ito tinitigan. " Let's end this, Louella! Tapos na tayo, long time ago and I dont love you anymore and forever!" mariin niyang sinabi ito sa dalaga. Umiling- iling si Louella. " No! No, you're lying to me." Iyak pa rin niya. "No! Louella, it's over between us! It's you, who are lying into yourself accept it we are not make it anymore!" paliwanag ni Nathan. Lumakas ang hikbi ni Louella at muling yumakap kay Nathan. Siya namang paglapit ni Matthew at nakita niya ang dalawa. " Am I interrupting?" Seryosong tanong nito. Lumingon si Nathan at agad lumayo kay Louella. Tinalikuran niya ang dalaga at humakbang palayo dito. " Make sure, you have already decided what you want in your life." Saad ni Matthew ng makalapit ang binata sa kanya. " What do you mean?" Tanong ni Nathan dito. Tumingin si Matthew kay Nathan ng seryoso. " I hope you're not lying to her, and I hope you love her more than you love Louella before. Don't make mistakes again, " aniya dito. " I love her and the baby, more than myself!" seryoso ring sagot nito. Tumingin si Matthew sa kinaroroonan ni Louella. Tila nahulaan ni Nathan ang ibig sabihin nito. " I was saying goodbye to her, not to come anymore in my life!" sabi niya sa binata. Tiningnan siya ulit ni Matthew mata sa mata. " Good! Because I give way, just to make you happy and don't make her lonely." Tugon ng binata at iniwan na siya nito. Bumuntonghininga hininga si Nathan at inis na tumingin kay Louella. Kahit kailan pahamak ang babaeng 'yan, bulong niya sa kanyang sarili. Naglakad na siya pabalik sa loob dahil dumiretso sa kanyang kwarto kung nasaan si Grace. Tinabihan niya ito at niyakap saka hinaplos ang tiyan nito. Napapangiti siya sa kanyang ginagawa. Umungol lang si Grace at yumakap sa binata. Tanghali na ng magising si Grace. Ginala niya ang kanyang mga mata ngunit wala na si Nathan sa kanyang tabi. Bumangon siya at nagpasyang lumabas na. Nagpunta siya sa kusina at nagtimpla ng kanyang kape. " Gising ka na, pala iha! Ang tatlo, nandun lang sa likod. Umalis naman si Madam dahil, may bisita siya sa planta. " sabi sa kanya ni Manang Cely. Nginitian niya ito saka siya tumango. Nang maubos na niya ang kanyang kape ay nagpasya na siyang lumabas. Pupunta na sana siya sa likod ng harangan siya ni Louella. Nagulat siya ng bahagya dahil sa pagsulpot nito sa harap niya. " I won't make you happy, you nerd!" nagngangalaiting wika nito kay Grace. " Ano bang pinagpuputok ng butse mo? Ikaw 'tong nang- iwan tapos ngayong ayaw na sayo, pinagsisisiksikan mo ang sarili mo sa ayaw na sayo!" sagot ni Grace. " Wala kang pakialam! Do you know, how long Nathan and I as a lovers?" Galit na wika ni Louella. " We are three years lovers, wala ka pa sa kalingkingan sa tagal ng relasyon namin. And now, here you are claiming that you mine him are you dreaming!" Galit pa ring patuloy nito. Kumurap- kurap si Grace at nagsalubong ang kanyang kilay . " Matagal na kayong tapos, 'wag kang pilingera! Ikaw ang nananaginip na iyo pa rin siya, kahit hindi naman na!" mataray na rin niyang sagot dito. Nanlaki ang mga mata ni Louella at walang anu- anong sinampal niya si Grace. Halos tumabingi ang mukha ng dalaga. Napapikit siya sa sakit, hinarap niya ang dalaga at sinampal niya din ito ng mas malakas. Namula ang pisngi ni Louella dahil nga maputi ito. Sa galit ni Louella ay sinabunutan niya si Grace. Dahil mas mahaba ang buhok ni Grace madali siyang inginudngod ni Louella sa punong naroon. Ngunit mas malakas pa rin si Grace, nagawa niya ding nginudngod ang mukha ng dalaga. Walang kaabog- abog na tinadyakan siya ni Louella sa kanyang puson at nabitawan niya ang hawak nitong buhok ni Louella. Sumadsad siya sa malaking batong naroon at malakas na tumama ang likod niya. Halos mahilo siya sa sakit. Napasigaw si Mang Cely na aawat palang sa dalawa kasi nga ay malayo siya sa mga ito. Natanaw niyang tila nagtatalo ang mga ito kaya lumapit siya. Nanigas ang kanyang puson na tinadyakan ni Louella at sumamang sumakit ang mga balakang niya at likod, kasabay ang tila mainit na likidong lumabas sa maselan niyang parte ng katawan. Hilong- hilo pa rin siya at napakapit sa bato. Lumaki naman ang mata ni Louella ng makitang may umaagos na dugo sa hita ni Grace. " Oh God! I'm sorry, I'm sorry! " taranta niyang sabi saka umiling- iling. Nakita iyun ni Mang Cely at natigalgal ito. " Diyos ko naman, maam Louella anong ginawa mo?" Mangiyak ngiyak nitong sabi sa dalaga. " Sir Nathan!" Sigaw ng matanda. Tarantang bumalik ang tatlo sa bahay ng marinig ang napakalakas na sigaw ni Manang Cely. Tumakbo silang tatlo at nakita nilang pinagkaguluhan ng mga katulong si Grace. Nagtatakang dumako ang mga mata ni Nathan kay Louella na nanginginig sa takot. Patakbo siyang lumapit kay Manang Cely . " Manang, anong nangyari?" Taranta niyang sagot. Umiiyak ang matanda. " Sir, si Grace!" iyak nitong wika. Tiningnan niya ito at nanginig siya sa nakita. Agad niyang nilapitan ang dalaga. Pakandong niya itong binangon. " Bakit siya duguan? Sinong gumawa nito!" Dumagundong ang malakas at galit na boses nito halos sa buong kabahayan. Nasindak ang mga naroon sa nakita nilang galit kay Nathan. " Matthew, call the doctor right now!" Sigaw ulit nito saka marahas na tumingin kay Louella. Naikuyom niya ang kanyang mga kamao at nagtagis ang kanyang mga ngipin. Takot na takot naman ito na nanginginig. Hindi niya alam kung anong gagawin niya sa sandaling iyun. Para naman kay Nathan, kapag may nangyari kay Grace at sa bata ay talagang mapapatay niya si Louella.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD