Maagang natapos ang reception dahil kakaunti lang ang bisita. Kaya naman maaga din silang nagpahinga. At gaya ng nakaugalian, kailangang sa iisang kuwarto matutulog ang bagong kasal. At walang nagawa si Lara para tanggihan ang utos ng may-edad. Baka maghinala ito kung 'di siya papayag at lalong lalala ang problema niya. At least isang buwan lang ang titiisin niya. Nagboluntaryo ang may-edad na sa kamalig uli matutulog para bigyan kuno sila ng privacy. Napatiim-bagang nalang si Lara sa kaniyang pagkairita habang tinutungo ang kuwarto. "Huwag kang mag-alala, matino akong tao," wika ni Jason sa likuran niya kaya napaigtad si Lara sa gulat. "Sobra na talaga 'to ah! I'm already starting to hate your lolo and this stupid tradition. I swear!" hindi na nakapagpigil si Lara. "Please, just bear t

