Chapter 2

993 Words
Mabuti nalang at napostponed ang meeting ni Lara kahapon at ngayon ito gaganapin. Nakikialinsabay sa talaga ang panahon at muntik na sana siyang mapahiya sa mga katunggali niya. Hindi pa rin makalimutan ni Lara ang nangyari kahapon sa clinic. Napakaantipatiko talaga ng doctor na iyon! Hindi niya alam ang pinagdaanan ni Lara para husgahan siyang insekiyura sa sarili. Pinaghirapan niya ang narating niya kaya wala siyang karapatang humusga. Pero ang hinding-hindi ni Lara makalimutan ay ang mala-Adonis nitong anyo. Kahit balingkinitan ang balat nito, makikita mo pa rin sa kaniya ang natural na kaguwapuhang Pinoy. "Aissh! Nakakainis! Bakit ko ba siya iniisip? Ang dapat kung paghandaan ay ang malaking break na ibibigay sa akin ng NeoTV." Dali-daling kinuha niya ang make-up kit at sinimulang pagandahin lalo ang sarili. Kailangan niyang magiging mas supistikada kaysa sa mga inggitera niyang mga kalaban sa trabaho. Ito ang araw na hinihintay niya kaya dapat lang ay bongga siya. Pagkatapos ang mag-ayos, nagmamadali siyang umalis gamit ang bagong niyang biling Audi A8. Nagmatch talaga sa kotse ang mala-porcelana niyang balat at maamo niyang mukha. She looks very gorgeous, decent and attractive. Hindi naman ganoon ka angos ang ilong niya pero sapat na ito sa hugis-puso niyang mukha, pati na sa magandang hubog ng katawan niya. Biniyayaan din siya ng katangkaran at kahit hindi na siya magpapa-enhance, maganda parin siya. Hindi niya nga lang maaalis ang pagkaconscious sa sarili dahil sa pambubully na nararanasan niya noon. At lalong hindi siya trying hard dahil talagang matalino siya. Kaya naman hindi siya nahirapang abutin ang kung anumang gugustuhin niya. Nang dumating sa sa TV station, nagbulung-bulungan ang mga tao palibhasa'y mga intrigera at mga ingitera. Wala siyang pakialam sa kanila kaya tuluy-tuloy lang siyang naglakad na parang rumarampang modelo nag-catwalk sa pasilyo. Akmang pindutin niya ang button ng elevator nang may sumabay din sa pagpindot. Nang mapagsino niyo ito, nagbago bigla ang mood niya. Hangang dito ba naman sa elevator kaagaw niya parin ito? Talaga naman oo! Huminga siya ng malalim baka tuluyang masira ang araw niya, pero sadyang nanunubok ang panahon. "I heard you have a new car. Tell me, who bought it? Is it your new sugar daddy?" bungad ni Agnes Yap sa kaniya habang pinapasok nila ang elevator. "Oh don't tell me, inatake ka na naman ng pagkaingitera mo. Mapalad lang talaga ako at nakakabili ako ng mamahaling kotse. It's none of your freaking business whether I have a sugar daddy or what. Pati ba naman iyon kaiingitan mo pa? Eh 'di maghanap ka din ng sa iyo para magkakotse ka ng magara." She flipped her hair while making her way out in the lift. Naiwang halos maglupasay sa inis ang babae. Hindi ata nakayanan ang sinabi ni Lara. Ipinanunumpa niya noon na hinding-hindi siya magpapatalo sa bruhang ito. Elementary pa lang inaapi na siya nito. Lagi itong nagdadala ng pasakit sa buhay niya. Kaya nang natuto siyang lumaban ipinangako niyang lahat na gugustuhin ni Agnes ay aagawin niya pati karelasyon nito. Siya ang dahilan ng hiwalayan ng longtime boyfriend ni Agnes. Nakuha niya ang number ng lalaki at tinawagan niya ito sa eksaktong anniversary date nila. Nagpanggap pa man din siyang girlfriend, kaya ayon, riot ang naganap. At hanggang ngayon hindi parin alam ni Agnes na siya pala may kagagawan. Ilang sandali pa'y nagsimula na ang conference tungkol sa bagong proyekto ng NeoTV. "Alright people! We have a big project and I need your full cooperation," bungad ng station manager nila. "Sir, tungkol saan po ba ang project natin ngayon?" Hindi nakatiis itong si Agnes kaya sumabad ito, palibahasa'y gusto niya pumapel ng husto sa project na ito. "I'm getting into that. Just give time to talk, okay? Sumasabad ka agad eh.'' Nasapol si Agnes sa tugon ng boss nila. Para siyang binuhusan ng suka sa pagkapahiya. Nagsingisihan ang mga kasama nila na parang ba nanunuya. Dinakuan niya ng tingin si Lara, bagay na lalong nagpapairita sa kaniya ang mapang-asar nitong mukha. "This campaign is very important to us since the idea of this tourism ad is from the president himself, at sa atin ito ibinigay ng Dept. of Tourism. Kaya dapat, creative tayo sa project na ito na hindi naman maikocompromise ang pagiging traditional concept nito. Actually, ang documentary na ito ay tungkol sa katutubo nating mga kababayan na sa kabila ng pagsulong siyensiya at teknolohiya ay hindi parin napapabayaan ang kanilang kultura,'' litanya ng boss nila. Hindi magkamayaw sa tuwa ang lahat sa pagka-alam ng bagong project. Dahil siguradong makakarating sila ng mga lugar na may magagandang tanawin. Tuwing may ganitong project ay parang getaway narin nila. "Lara, ikaw ang magkocover ng documentary na'to. You did great last project so I expect so much on you." "Yes, Sir! You can count on me," masayang tugon niya. Gaya ng inasahan, sa kaniya nga napunta ang big break. Nakuha na naman niya ang gusto niya. Samantalang hindi maipinta ang mukha ni Agnes sa sobrang inis at galit. Tiningnan niya ito na parang sinasabi niyang 'ako ang nagwagi'. Nagpatuloy ang meeting ng dalawang oras para sa mga karagdagang detalye at tagubilin. Nang matapos ang meeting, nagpahuli si Lara ng alis dahil tiyak na makakaaway na naman niya si Agnes kung magpapang-abot sila sa cubicle. "Grabe! Sumipsip ka na naman kay Sir, ano? Kaya nakakuha ka na naman ang project," wika ni Agnes na naka-abang pala sa labas ng pinto. Napapikit nalang si Lara at nagpakawala ng hininga nang matunugang si Agnes na naman ito. Ayaw talaga siyang tigilan nito! Nagpaiwan na nga siya pero inabangan pa rin siya nito. Milagaro ata kung 'di sila nagbabangayan araw-araw.  ''Hindi ko na kailangan pang sumipsip. Magaling lang talaga ako! Ikaw ang kailangang sumipsip para magkabreak ka naman. Hangang ngayon kasi trying hard ka pa rin eh.'' At tuluyan na niyang tinalikuran ang babae. Hindi na niya ito nilingon dahil tiyak naglulupasay na ito sa galit. Hindi na niyang gugustuhing pang makita ang hitsura nito at baka lalong masisira ang araw niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD