Prologue

467 Words
It's already 10 P.M in the evening nang magpasyahan ko nang umuwi na. Nandito kase ako ngayon sa isang cemetery kung saan nakalibing ang Daddy ko. I was just 8 years old when he died in a car accident. Pero hanggang ngayon ay sariwang-sariwa pa rin ang sakit na naidulot nito. Hindi ko naman masisisi ang sarili ko, pa'no ba naman lumaki akong si Daddy palagi ang kasama ko, sa paglaro o kahit sa pagligo. Habang tinatahak ko ang madilim na daan pauwi sa bahay ay parang may naramdaman akong sumusunod sa akin. Nakaka alarma, kaya binilisan ko ang aking paghakbang. Nang maramdaman ko na malapit na siya sa akin ay bigla akong tumakbo ng mabilis at sumigaw para humingi ng tulong pero sa kamalas-malasan naman ng kaluluwang yumayakap sa katauhan ko ay wala talaga kahit isang sumaklolo. "Hahahahaha! Sa tingin mo may tutulong sayo dito!? Walang kabahayan sa lugar na ito! Kaya sa ayaw at sa gusto mo, akin ka ngayong gabi!" Rinig kong sabi ng isang demonyo na nasa likuran ko ngayon. Isang demonyong lalaki. Habang patuloy ako sa pagtatakbo ng mabilis ay naabutan pa rin niya ako. Hinila niya ang buhok ko na siyang dahilan sa muli kong pagsigaw. Bigla niya akong niyakap sa likod gamit ang isa niyang kamay habang ang isa naman ay nasa buhok ko. "Chill ka lang kase magandang dalaga. Alam ko namang magugustuhan mo ito eh!" Wika nito malapit sa aking kaliwang tenga. Ugh! Nakakatindig balahibong kambing na boses na iyon! Eww, hindi ba siya nandidiri? Kase ako kanina pa! Kaya naman bigla kong kinagat ang kaniyang braso na nakapulupot sa katawan ko. Bigla naman siyang napasigaw sa sakit dahilan para bitawan niya ako. Hinarap ko siya at nakita ko ang mala demonyo nitong mukha. Sinipa ko siya ng napakasagad sa kaniyang puturo at tumakbo pero sa kasamaang palad ay nahabol niya pa rin ako. Ano ba? Hindi ba siya nasaktan sa sipang iyon!? "San ka pupunta!? Hindi pa tayo nagsisimula." At hinila niya ako ulit. Wala na talaga akong kawala dito. Kaya sumigaw ako ng napakalakas sa pag asang may makarinig at tumulong pa sa akin. "Huwag kang maingay!!" At sinampal niya ako sa mukha pagkatapos ay sunod sunod na bugbug na ang nakuha ko. I'm so helpless. I cry my fear and pain that he caused me out. Sana kung nandito lang si Daddy ay sigurado akong hindi niya hahayaan ang demonyong ito na makalapit sa akin. Pero wala eh. Wala naman si Mommy at Kuya dito kasi malayo pa ang bahay namin. I'm alone at walang kalaban-laban sa demonyong ito dahil babae ako, walang lakas. Siguro katapusan ko na. "Dianaaaaaaa!" I heard a shout. A shout that comes from my brother because I know what his voice sounds like. And after that I lost my conciousness.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD