PAGKAPARADA ni King Ezekiel sa minamaneho niyang kotse sa parking lot ng ospital kung saan dinala ang mga magulang ko ay agad ko na tinanggal ang seatbelt ko. Hindi ko na din siya hinintay na pagbuksan niya ako ng pinto gaya ng madalas niyang ginagawa kapag nakasakay ako sa kotse niya. Dali-dali ko nang binuksan ang pinto sa may passenger seat at saka ako bumaba do'n. "Ayanna." Narinig ko pa ang pagtawag sa akin ni King Ezekiel pero hindi ko na siya pinakinggan. Nagtuloy-tuloy ako sa pagbaba. I wanted to see my parents. I was worried sick. Nag-aalala ako sa kalagayan nila lalo na at sinabi ng kasambahay namin ng tawagan niya ako ay nasa malubhang kalagayan daw sila dahil sa aksidenteng nangyari. Nang malaman ko nga iyon ay hindi ako nakapagsalita, parang tumigil ang ikot ng mundo ko. I

