TUMAGOS ang tingin ko kay King Ezekiel nang makita ko ang ilang empleyado ng kompanya namin na nasa isang sulok lang ng bulwagan. Tahimik lang naman sila na naroon habang nagmamasid sa paligid. Napansin ko na mukhang nahihiya sila na makihalubilo sa ibang bisita na naroon sa bulwagan "Bakit, Ayanna?" tanong sa akin ni King Ezekiel nang makita niyang wala na sa kanya ang atensiyon ko. Kasama ko pa din kasi siya hanggang ngayon. Patapos na din kami sa pagkain na dalawa. Muli ko namang itinuon ang atensiyon ko sa kanya. Napansin ko naman ang bahagyang pagsasalubong ng mga kilay niya habang nakatingin siya sa akin. "Saglit lang, King, ha?" paalam ko naman sa kanya sa halip na sagutin ko ang tanong niya. Hindi ko naman na siya hinintay na magsalita. Inilapag ko ang hawak ko na plato sa may

