DAHIL sa pag-aalaga ni Mama sa akin ay agad na bumuti ang lagay ko. Dahil kinabukasan, paggising ko ay hindi na ako nilalagnat, may bahagya pang kirot na nararamdaman ang ulo ko but bearable naman na ang kirot. Saglit ko namang ipinikit ang mga mata ko para magpasalamat kay Papa God dahil sa panibagong bukas na ibinigay niya sa akin at sa tuluyan ko din na paggaling. I open my eyes and get up on my bed. Dinampot ko naman ang eyeglass ko at isinuot. Akmang maglalakad na ako palabas ng kwarto ko nang mapatigil ako ng marinig ko ang pagtunog ng message alert tone ng cellphone ko. Nakaramdam ako ng excitement nang may nag-text sa akin. Dalawang tao lang naman ang nagti-text sa akin. Si Nicole at si King Ezekiel. Agad ko namang kinuha ang cellphone ko para tingnan ang text message. At hin

