"HEY, Ayanna." Napakurap-kurap ako ng mga mata ng yugyugin ni King Ezekiel ang braso ko. Sumulyap ako sa kanya at nakita ko na bahagyang magkasalubong ang mga kilay niya habang nakatingin siya sa akin. Gayunman ay kita ko pa din ang pag-alala na nakabalatay sa mga mata niya. Magkasama na naman kami ni King Ezekiel. Sa pagkakataong iyon ay siya ang tumawag sa akin para makipagkita. Pagdating naman sa kanya ay always available ako. "B-bakit?" tanong ko naman. "You okay? Kanina ka pa na nakatulala, tinatawag kita pero hindi mo ako pinapansin," wika niya sa akin. Hanggang ngayon ay hindi pa din nagbabago ang ekspresyon ng mukha niya. His face was still serious. Bahagya ko naman siyang nginitian para i-assure siya na okay lang ako. "I'm okay. May iniisip lang ako," sagot ko sa kanya.

