3DBar "Chanelle! Nandito ang magpipinsan!" sigaw ni mama sa ibaba kaya mabilis akong lumabas ng kwarto ko para punthaan sila. Nakapambahay pa lang ako. Sila rin kasi ang magpapaalam para sa akin. Di ko pa nararanasang umalis ng bahay na gabi na. Di rin naman kasi ako naglalakwatsya pag ganitong oras. Kaya medyo kinakabahan ako. Sumenyas ako kay Shy na siya na ang kumausap kay Mama. Si Shy naman ay sumenyas rin sa akin gamit ang ekspresyon niya na parang kinakabahan. Panay ang senyasan namin ni Shy gamit ang mga ekspresyon ng mukha namin hanggang nagsalita si Jhaz. "Tita. Isasama po namin si Chanelle ngayon. Magbabonding kaming tatlo. Medyo naging busy po kasi kami nitong mga nakaraang araw dahil sa eskwelahan. Sana po ay pumayag kayo. Ihahatid rin naman namin siya pauwi." Walang palig

