JK Delafuente Isinuot ko nga iyon. Nang lumabas ako ay napatili na itong si Shy at pumapalakpak sa tuwa. Napangiti narin ako dahil sa inasta niya. Ibig sabihin lang niyan ay bagay sa akin. "Ang ganda ganda mo na! Jhaz oh! Si Chanelle sobrang ganda na!" Niyugyog ni Shy si Jhaz kaya yung mukha ni Jhaz nabahiran ng iritasyon dahil sa kakulitan ng pinsan niya. "Alam mo ikaw Shy, may kasama na nga tayong taong gubat tapos ikaw pa itong asal taong gubat. Hindi ako bulag nakikita ko ng malinaw." Umismid si Jhaz pero hindi namin pinagtuunan ng pansin ang pagtataray niya. Nakiyakap narin ako sa kanilang dalawa at sabay kami ni Shy sa pagtalon. Piniga namin si Jhaz sa gitna na ngayon ay napapangiti na kahit iritado ang mukha. Ang saya saya kasi namin. Lalo na ako! Parang karapat dapat na tal

