Katotohanan Nakasuot ako ng simpleng puting dress na hanggang tuhod ko lang. Napakasimple lang ng kasal. Wala kami sa simbahan kundi nasa isang parang garden lamang. Sa halip na isang belo ang nasa ulo ko ay isang bulaklak na ginawang korona ang nandoon. Kinulot ang dulo ng buhok ko at light lang rin ang make-up ko. Lahat ay simple. Pero kontentong kontento ako sa nangyayari. Ewan ko ba, naging masaya ako dahil sa sinabi niya kagabi kahit papaano. Hindi ko naman talaga kailangan ng engrandeng kasal. Kontento na ako sa ganito. Nakatayo kaming dalawa ni Harel ngayon sa harap ng isang pari. Walang pagrampa sa gitna ang naganap lalo na't wala namang espasyo sa gitna. Nandito ang mga pinsan niya pati na ang mga girlfriend nila. Pagdating namin ni Harel dito ay sinimulan na agad ang seremonya

