Huling Delafuente "Di parin ba nagrereply?" Tanong sa akin ni Shy nang mahuli niya akong tinititigan ang cellphone ko dito sa kwarto niya. Pagkatapos kasi ng klase ko ay sinusundo narin nila ako at dito kami dumederitso. Dito na ako nagpapalipas ng oras kasama si yaya lalo na't mag-isa lang kami doon sa bahay. Si Jhaz kasi nagsusuplada na naman. Nagkukulong sa kwarto niya. Ayaw niya daw munang makasalamuha ng dalawang baliw. Hindi na namin kinulit ni Shy kasi naglock na ng pinto ng kwarto. Binantaan rin kasi kami na iihawin niya daw kaming dalawa pag napuno siya. "Hindi parin eh." Pumangalumbaba ako. Simula nang araw na naudlot naming pagkikita ay hindi na siya nagrereply. Araw araw kong hinihintay ang tawag niya pero wala talaga eh. Mas lalo akong nagluluksa dahil pakiramdam ko dalawa

