Chapter 54 "Ligs, tell me," hindi magkandaugagang tanong ni Vivienne. "Ano ba talaga ang nangyari kagabi, ha? Pagbalik ko sa mesa, wala ka na roon." Nakahiga lang ako sa kama, wala akong ganang sagutin siya dahil masakit ang ulo ko. Hinimatay pala ako kanina nang madatnan nila ako ni Patrick dito sa condo. Dinama ko ang gilid ng aking ulo dahil nahihilo ako. "Ligs," muling pakiusap niya. "I need to know kung ano ang nangyari kagabi nang iwan kita." "Hinahanap ka ni Jude," mahina kong tugon matapos ang ilang minuto. "Kasama niya si Chuck at ang masama pa ay nadatnan niya ako sa rooftop kasama si Fern." "What? Magkasama kayo ni Fern kagabi? Don't tell me na..." "Na nakipagbalikan ako sa kaniya?" Muli kong dinama ang likod ng aking ulo. "Never, Viv. Magunaw man ang mundo, hinding-hindi

