Chapter 45 Tatlong araw na ang nakalipas simula nang makauwi kami galing sa ospital. Pansin ko ang pagkabalisa ni Chuck sa mga araw na iyon. Hindi na siya palaimik, minsan tango lang o kaya ay simpleng oo lang ang isinasagot niya. Alam kong may dinadala siyang problema pero ni minsan ay hindi man lang siya nagkuwento sa akin. Nag-aalangan naman akong tanungin ulit siya dahil nang minsang sinubukan ko ay nagwala siya sa library. Doon ko nakilala ang totoong Chuck. Kakaiba pala siya kapag nagagalit nang husto dahil umiiyak siya na parang bata, humahagulgol, at ibabalibag kung ano ang mahawakan ng mga kamay niya. Minsan ay iniisip ko na puntahan si Mamita para ipaalam ang kalagayan ni Chuck. Matagal-tagal na rin simula nang huli kaming mag-usap. Gusto kong makibalita kung ano talaga ang n

