CHAPTER 48 "First blood." "An ally has been slain." "...turret has been destroyed." Ilan lamang iyon sa mga naririnig ko nang madatnan ko sina Clint at Chuck sa living room. Nasa kani-kaniyang cellphone nakapokus ang kanilang atensiyon. Magkaharap silang dalawa at panay ang pag-uusap patungkol sa online game na kanilang nilalaro.. "Ambobo naman ng tank na ito, coach." "Sa gilid, boy. Ooops! Aldous 'yan, boy." "Sh*t! Hina ng mga kakampi natin, coach. Bobobo!" "Watch your language, boy." "Sorry." Naupo ako sa tabi ni Chuck na naroon sa mahabang sofa. Napailing na lang ako. Naiitsapwera talaga ako kapag silang dalawa ang magka-bonding. Kung wala lang si Clint sa harap namin ay ibinalibag ko na ang cellphone ni Chuck. "Yabang ng isang 'to," saad ni Chuck mayamaya. "Back-up-an mo ng

