Iginiya kami ni tita Maricar papuntang dining area. Nasa unahan sila ni mommy habang nasa likod kami ni dad. May pahabang lamesa sa malawak na dining room na puno ng iba’t-ibang pagkain.
“Make yourself comfortable. Pasensya na, late ang asawa ko nasa taas pa naliligo,” panimula ni tita. She motioned her hands to the chairs, as if urging us to take a sit.
“Walang problema Maricar, palagi namang ganun si Caesar." mommy answered her.
She was holding my waist as she guided me to take one of the seats. Naunang naupo si mommy at sumunod naman ako. I sat beside her and daddy situated himself beside me. Sa harap naman namin ay si tita.
Tumawa siya. “Oh sinabi mo pa. Parang babae kung kumilos iyong magaling kong asawa!”
Napanguso ako. So she knows how to talk in tagalog fluently, akala ko’y hindi siya sanay.
“Well that is one of the reason why you fall in love with him. Aminin,” my mother uttered with her teasing voice. Mabining tumawa si tita Maricar.
Honestly speaking, she looks intimidating. Her black hair is in a full bun, bilog at malaki rin ang hikaw sa magkabilang tainga at kumikinang ang gintong kwentas.
“I won’t deny that fact, Reigna. The more he act like that, the more my feelings for him intensifies.”
Mommy and tita talked casually. Parang normal lang sa kanila ang ganitong usapan, they are even looked so sweet. Para lang silang teenager.
"Honey," ani bigla ng isang boses.
Tita smiled upon hearing that voice.
“He’s here,” tumayo siya at sinalubong ang bagong dating.
Nagtagal ang tingin ko sa mukha ni tito. Kumunot ang noo ko at pilit inaalala kung saan ko nga ba siya nakita. He looks familiar. His facial expression and those set of expressive eyes.
“He is your tito Caesar anak,” bulong ni mommy ng mapansin ang matagal na panititig ko sa kaniya.
I nodded my head. Kahit anong kumbinsi ko sa sariling lubayan na si tito ng titig, hindi ko magawa dahil talagang namumukaan ko siya. I just can’t pinpoint where and how.
“Who’s this beautiful lady on your side, Samuel?” naupo si tito sa kabisera at muling bumalik si tita sa pagkakaupo, doon sa kaniyang tabi.
Daddy chuckled. “My daughter Caesar, who else?”
Dumapo sa akin ang paningin ni tito, nahiya naman ko ng matantong kanina ko pa siya pinagmamasdan.
Tito Caesar smiled. “Hello hija, it’s nice seeing you.” pagbati niya.
Ngumiti ako pabalik. “Hello po,” magaan kong sambit.
Ang saya lang sa pakiramdam na makatagpo ng katulad nila na hindi magsasawang iparamdam sayong isa kang pamilya kahit pa iyon ang una niyong pagkikita. Kung hindi dahil kina mommy at daddy, malabong marasan ko ang ganito— ang maging buo.
Truly, our family is one of those rarest gem in this world. Hindi lahat nabibigyan ng pagkakataong makasama ang sariling pamilya, kumain sa hapag na kasalo sila, o tumawa.
Those who are complete and blessed with having their family should treasure and honor them no matter what the circumstances is. Katulad ng mga batang naiwan sa bahay ampunan, alam ko ang pakiramdam na nag-iisa, napakahirap at matinding pagdurusa.
“Mamaya na ang pag-uusap, kumain muna tayo at lumalamig na ang pagkain.” pumagitna si tita Maricar.
We all agreed and started eating. Kahit hindi ko hingin, mommy is serving me with foods that she knows my favorite. Ganoon din si daddy.
“That’s enough mom, thank you.” ngumiti ako, she then pinched my cheek. “Anything for my honey.”
Nagsimula kaming kumain. Sa kabila ng bilin ni tita na mamaya na mag-usap, hindi maiwasan ang salitan ng salita lalo na si daddy at tito. They are talking about something that I cannot relate. Habang si mommy at tita ay pawang nakikinig lang dito.
Napanguso ako. Sa halip na makinig sa usapang matatanda, I decide to just focused on eating the food on my plate. Marami-rami pa naman, lalo pa’t si mommy ang halos naglagay ng pagkain sa plato ko.
“How about you Agnes, don’t you have plans on becoming a doctor? Or perhaps nurse?”
I lifted my gaze to tita when she suddenly asked me. Hindi siya sa akin nakatingin bagkos ay sa hinihiwang steak.
I looked at my mother, she then smiled as if telling me it’s fine to voice out my stand on the topic. Inabot ko muna ang baso ng tubig bago siya sinagot.
“Wala po, I’m more on teaching tita.” I trailed. She stopped and folded her hands on the table. She looked at me straight on the eyes.
Napalunok ako sa biglaan niyang galaw.
“Hmm, a teacher I see. But don’t you think saving lives is much better? Kailangan ng bansa natin ng mga doctor na kagaya ng daddy mo na magliligtas sa mga tao.” she calmly stated.
Napakagat labi ako. Muli kong binalingan ng tingin si mommy at nahuli siyang nakatingin din sa akin. Na parang nag-aabang ng magiging sagot ko.
Daddy and tito Caesar also stopped conversing and I know they are listening to us.
“Uh, parang ganoon nga po, pero hindi ko po kasi gustong maging doctor o mag trabaho sa loob ng hospital. Ang gusto ko lang po ay magturo.”
Malakas na kumakabog ang dibdib ko lalo pa’t alam kong nasa akin ang atensyon nilang lahat. I didn’t see this coming. Wala namang masama sa tanong ni tita pero hindi ko lang maiwasang kabahan.
“Teaching is a great profession honey, kung tutuusin walang mga doctor kung hindi dahil sa ating magigiting na guro.” segunda ni tito.
Napalingon ako sa kaniya at nakita ang tipid niyang pagngiti sa akin.
“Hindi ko naman sinabing hindi maganda ang kursong pinili niya. I’m just stating the possiblity if she took up medicine.” si tita bago sumimsim sa kaniyang wine.
“It’s fine Maricar, we are not pressuring our daughter. Kung saan siya masaya, doon kami. The only thing that matters to us is her genuine happiness.”
Parang may humaplos sa puso ko ng marinig iyon mula kay mommy. Kahit hindi nila ako kadugo, kailan man ay hindi nila sa akin pinaramdam na hindi ako pamilya. Hindi nila pinagkait ang pagmamahal ng isang magulang sa kaniyang anak.
“Sir, narito na po si sir Cole,” ani bigla ng kasambahay na kakapasok lang. Naibaling sa kaniya ang atensyon ng lahat.
“Let him in. Tell him to go straight here, he’s already late.” sagot ni tito.