Nanatili kay tito Caesar ang mga mata ko. Hindi naman siguro siya iyon, imposible. Hindi lang naman iisa ang pangalang Cole sa Pilipinas.
Pilit kong kinumbensi ang sarili na huwag umasa, hindi siya ang tinutukoy ng kasambahay. It is very impossible for him to be the son of tita Maricar and tito Caesar.
Hindi, impossible..
“Mom–"
Naiwan sa ere ang mga salita ko ng saktong paglingon ko kay mommy ay siya namang pagpasok ng isang matipunong lalaki sa hapag. Umawang ng husto ang labi ko ng makita ang lalaking laging gumugulo sa isipan ko mag mula noong nasilayan ko siya.
It was none other than Cole Alvares. Sporting a gray hoodie, a ragged pants and a black ball cap, he strides towards us— even humming to a very familiar song.
The Bed of Roses.
Iyong paborito ko rin na kanta. Naging paborito ko lang talaga iyon dahil sa kaniya. I watched one of his interviews and according to him, his favorite song is the Bed of Roses. Magmula noong araw na iyon, palagi ko nang pinapatugtog ang kantang iyon hanggang sa naging paborito ko na.
I don’t know why but everytime I listen to the song.. it reminded me of him.
This feeling might just be an admiration, but this somehow keep me going. I was being motivated whenever I heard his voice, whenever I saw his face and anything that connects me to him. Isa mang kahibangan pero iyon ang totoo. Malabong pumasok ako sa isang relasyon kung hindi rin siya. Alam kong malabo, napakamalabo pero hindi iyon naging dahilan para huminto ako.
Unlike most of his fans, kadalasan ay hindi ako nakakadalo sa kaniyang mga concert o kahit anong fan gathering. Sa tuwing may concert siya nanonood lang ako sa tv o kaya’y sa aking cellphone. Kahit sa simpleng paraang iyon, para na rin akong nasa lugar ng mismong pinagdarausan ng kaniyang concert.
It’s not like I can’t afford to buy a ticket, kayang kaya naman pero katulad nga ng sinabi ko, wala akong ganoong kaibigan. Wala akong makakasama kung sakali man at takot ako sa maraming tao. Crowded places is not my type that’s why I contented myself watching him from afar.
“Good evening everyone!” masiglang pagbati niya.
Napapikit ako. I was trembling badly and I couldn’t contain my flowing emotion. Sa loob ko’y gusto ko nang magsusumigaw sa kilig at saya. Hindi pa nga ako nakakabawi sa pagtatagpong naganap kanina, heto siya.. nasa harapan kong muli.
“Oh dear, the legendary Cole Alvares. How are you hijo? Ang sikat mo na ah,” mommy commented.
“Ow hi tita! Eto po, pogi pa rin,” he answered while laughing.
Palihim kong sinundan ang bawat galaw niya. Hindi pwedeng mahalata niyang isa ako sa mga nagkakandarapa niyang fans. I should act still and calm, especially both of our parents are around.
“Aww the confidence, I like it.” dugtong ni mommy. Hindi pa pala nila alam na ang artistang lagi kong na-kukuwento sa kanila ay ang lalaking kaharap namin.. na anak pala ng kanilang kabigan.
Cole seated himself beside his mother, I saw how he tried to kissed tita cheeks but she move her head. Ang akmang paghalik niya sa ina ay hindi natuloy. Nawala rin ang kislap sa mata ni Cole maging ang kaniyang ngiti.
Maya-maya ay tumikhim siya saka umayos ng upo. Ako lang yata ang nakapansin dahil hindi naman nila iyon pinuna.
May platong nakahanda na sa kaniyang pwesto at agad niya itong nilagyan ng pagkain.
“Katatapos lang ng trabaho mo hijo?” tanong naman ni daddy.
He was putting rice on his plate when he glanced up and answer my father.
“Yes tito, I’m glad I’m done with my schedule. Makakapagpahinga na rin.”
Ang labi niya’y nakangiti subalit iba ang sinisigaw ng kanyang mga mata. It all made sense now, kung bakit familiar si tito Caesar all because he is the father of the man I adored the most. Sa kaniya pala namana ni Cole ang expressive nitong mga mata.
“That’s good then, you should take care of your health hijo. Don’t overwork yourself too much and take time to rest.” mommy stated.
Dahil nakatutok pa rin ako sa kaniya, nakita ko ang bahagya nitong pagtigil. He glanced beside him, to his parents. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba iyon o sadyang ang lungkot ng magaganda niyang mata. Tita Maricar on the other hand went silent, she was only looking at the glass of wine on her hand.
“I’ll take note of that tita, thanks for the concern.” sa paglingon niya’y, nagtagpo ang mata namin.
My lips parted. It was only a split of second but the impact was massive. Malakas na kumalabog ang dibdib ko, isama pa ang hindi mapakaling mga paruparo sa aking tiyan.
His effect on me is insane!
“Are you okay anak?” napakurap-kurap ako ng marinig ang boses ni mommy.
Nanginig ang labi ko, hindi ko alam kung ano ang dapat kong isagot. Ayaw kong magsinungaling pero ayaw ko rin mag-alala sila. Dahil sa totoo lang, hindi ako maayos.. hindi ako okay.
I was trembling and nervous at the same time. Grabe yong epekto ni Cole sa akin. His presence alone is driving me crazy, and now that we are in a close area.. the fact that he is only across to me, para akong hihimatayin.
“O-Opo, uh.. yes I’m fine mommy,” pabulong kong sagot.
Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya at binalik kay Cole na ngayon ay nakatingin na rin pala sa amin.
Once again, my lips parted. It’s like he is stealing my breath away. Wala naman siyang ginagawa, nakaupo lang siya doon pero..
“Cole hijo, I want you to meet our daughter, Agnes Francisca.”
I felt like hyperventilating when he smiled at me, revealing his set of deep dimples on each side of his cheeks.
“What a nice name Agnes, so pretty like you.” he smoothly said.