CHAPTER 2

1410 Words
Para akong lumilipad habang papuntang parking lot. I can’t believe I saw him that close! Heck, I couldn’t utter the right words as I am still astonished! Para akong bata na nabigyan ng paboritong larauan sa matinding kasiyahan na nararamdaman. The butterflies on my stomach is moving like crazy. It’s as if they are telling me I am not hallucinating or imagining things again. Totoo ngang nakita ko siya, nakakapanghina nga lang dahil hindi ako nakahingi ng kahit fan sign man lang. Napakamalaking sayang Anges! “Uuwi ka na hija?” Halos mapatalon ako sa gulat sa biglaang pagsasalita ni Tay Recardo, ang driver ng pamilya namin. He is on his mid thirties. Asawa siya ni ‘nay Jose na naninilbihan din sa amin. “Uh, opo ‘tay tara na,” nakangiti kong sagot. Kinuha ko ang kamay niya at saka nagmano. He then opened the car’s door and I happily hop in. Isinuot ko ang seatbelt habang nasa kandungan ang bag at dalawang nagkakapalang libro. “Kumusta ang eskwela hija? Balita ko nasa loob ‘yong sikat na artista ah.” nanunuksong pahayag ni tatay. Natawa ako. Kahit siya’y alam ang pagkahumaling ko kay Cole Alvares. Paano ay laging siya ang naghahatid sa akin sa tuwing gusto kong bumili ng mga gamit na nag-uugnay kay Cole. Mga merch, album, stickers at marami pang iba. Kahit sa kwarto ko ay may malaking mukha ni Cole na nakadikit sa dingding. Upang sa gayon ay ma-inspire akong gumising ng maaga kung mukha niya ang una kong nakikita. “Naroon nga po ‘tay,” I answered as I looked outside the window. I addressed him as tatay and nanay for his wife. They are like my second parents. Kung wala si daddy at mommy ay silang mag-asawa ang nag-aalaga at nagbabantay sa akin. Like my parents, they had been a supporting guardian to me. “Kung gayon ay nakita mo siya?” tanong pa niya, nahihiwagan ko ang panunukso. Pinamulahan ako ng pisngi ng maalala ang nangyari kanina. I heard his voice again. Kumpara sa karaniwang naririnig ko tuwing nanood ako ng pelikula niya, mas nakakawala sa sarili ang boses niya sa personal. I won’t argue with that. “Syempre naman ‘tay, hindi ko yata eto palalampasin!” I proudly stated. Halos magningning ang mata ko ng madaan namin ang poster ni Cole. Malaki ang pagkakangiti niya since commercial ng isang brand ng toothpaste. Kahit iyong ngipin niya ay napaka perpekto. Everything about him is just perfect. Ang galing lang lumikha ni Lord sa isang katulad niya. Narinig ko ang pagtawa ni tatay Recardo. “Kaya pala malaki na naman ang ngiti mo hija. Nakakita ka na naman pala ng gwapo.” dugtong pa nito. Lumawak ang ngisi ko. Sinong hindi kung katulad ni Cole ang pag-uusapan. He made my day extra special and I will treasure that brief interaction for the rest of my life. I will consider myself as lucky for having the privileged of seeing him that close. Hanggang sa makarating kami sa bahay, hindi mawala-wala ang ngiting nakaukit sa labi ko. “Magandang hapon ‘nay, sina mommy po?” lumapit ako sa kaniya saka nagmano rin. Kalalabas niya lang mula sa kitchen at nakasuot siya ng puting apron. 'Nay Jose is already fifty one years old, mas matanda siya kay tatay Recardo. Ngunit katulad nga ng kasabihan kung pag-ibig ang pag-uusapan, age doesn’t matter. “God bless you, hija. Wala pa sina mommy mo, mamaya pa ‘yon.” she answered smiling warmly at me. I nodded my head. My foster parents owned a clinic. My mother is an obgyne and my father is a doctor. Sa ilang taong pagta-trabaho sa hospital, napagdesisyunan nilang magtayo ng sariling clinic. Nasa labas lang ng subdivision ang dela Cruz clinic at mula noong naitayo ito, malaking tulong na ang naibibigay dito sa mga tao at maging sa pamilya namin. “Ganun po ba,” napanguso ako. Excited pa naman akong ikwento ang nangyari kanina pero mukhang mamaya nalang. "Sige po ‘nay, akyat lang ako.” sambit ko. Hinaplos ni ‘nay Jose ang buhok ko. “Tawagin nalang kita kapag narito na sila, hindi na rin ‘yon magtatagal.” she replied. Tumatango-tango ako at kalaunan tinahak ang hagdan sa second floor kung nasaan ang kwarto ko. Utang ko sa mag-asawang dela Cruz ang karangyaan natatamasa ko ngayon. If not because of them, I would probably in the orphanage by now. Hindi ako makakapag-aral ng kolehiyo at hindi makakaranas ng pag-aaruga at pagmamahal ng isang pamilya. I was a nobody. An orphan and a sick child. Mula noong nagkamuwang ako labing anim na taon ang nakalipas, ang mga madre at ilang kabataang ulila rin katulad ko ang namataan ko. I was raised by sister Rona when I was still a baby until my mom, Reigna saw me and decided to adopt me. Despite their strong will to bear or have a child on their own, hindi sila mabigyan at mabiyayaan ng anak. Hanggang sa napagdesisyunan nalang nilang mag-ampon. I was glad they choose me. I have an asthma at an early age. Noong nasa puder nila ako, they had me treated. Pinakain, binihisan at binigyan ng pangalan. I couldn’t thank them enough. Hindi sapat ang salitang salamat lang. That is why I am doing my best to repay their kindness. Nag-aaral ako ng mabuti at sinisikap na hindi sila bigyan ng sakit sa ulo. Kahit hindi ako sa kanila nagmula, mahal na mahal ko silang dalawa. Para ko na rin silang tunay na magulang at wala na akong hihilingin pa. “Agnes?” napabalikwas ako ng higa ng marinig ang boses ni mommy sa labas ng aking silid. Ibinaba ko ang binabasang libro bago nilakad ang distansya ng pinto. I opened it and my mother came into view. “Mommy!” I giggled and hug her. Natawa siya saka ko naramdaman ang paghalik niya sa ulo ko. “How’s school?” she asked. Humiwalay ako sa kaniya habang nakangiti. Pagkatapos ay nagmano. I close the door and we both walk into the hallway downstairs. “Maayos naman po, kayo? Kumusta po sa clinic?” I politely asked. My hands were hooked around her arms. Magkasing tangkad lang kami ni mommy pero dahil naka heels siya, hanggang baba lang niya ako. “Still a clinic dear,” pareho kaming natawa sa naging sagot niya. "Anyway, I heard from Recardo that you’re hmm.. what is it again?” Pababa na kami ng hagdan at nakita ko si daddy sa living room, may kausap sa telepono. “I’ll tell you about it later mom, si tatay talaga.” I chuckled. “I can’t wait for that later then, my baby is already a grown up lady." she dramatically exclaimed. Muli akong natawa. "Eh crush lang naman mommy, hindi naman po boyfriend.” sagot ko. “What boyfriend are you talking about Agnes?” istriktong tanong naman ni daddy, ngumisi ako. Nakababa na ang kaniyang cellphone at mukhang tapos na silang mag-usap. Nakakunot ang kaniyang noo na parang may narinig na hindi dapat. I removed my hands that is on my mommy’s arms and run to him. Niyakap ko siya at katulad ng ginawa ko kay mommy, nagmano rin ako. “Uh dad, wala po yung crush ko lang na celebrity.” natatawa kong tinuran. I heard him sighed, as if a thorn was lifted on his chest “That’s good, I won’t allow you to have a boyfriend. Not until you finished college.” his sweat voice vibrated. “Oo naman po, ako pa!” Wala namn talaga akong plano na magka-boyfriend. Kung hindi isang katulad ni Cole Alvares, malabong mag ka-boyfriend ako. “Anyway dear, we’re leaving tonight. Nagyaya si tita Maricar mo at doon kami mag-didinner sa kanila. You wanna come with us?” tanong bigla ni mommy. “Iyon po ba yong palagi niyong pinupuntahan ni dad?" I curiously asked. They oftentimes went out for a dinner date with their friends. Palagi naman nila akong inaaya pero lagi lang akong tumatanggi. But now that something special happened to me, gusto ko rin itong i-celebrate. “Yes anak, gusto mong sumama?” malambing na sagot ni mommy. She has this smiling face. Her smile is contagious that I can’t help myself not to smile in return. “Sure po, wait I’ll just change my clothes!” I uttered before turning my heels and went back to my room.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD