Patakbo kong nilakad ang hagdan. Kaya pala bihis na bihis si mommy at daddy dahil my lakad. Gusto ko rin makilala itong kaibigan ni mommy na lagi niyang nakakasama sa tuwing walang trabaho sa clinic. According to her, tita Maricar is my godmother. Hindi ko lang maalala ang mukha niya since madalang akong lumabas ng bahay. At sa tuwing sila ang bumibisita dito, it’s either nasa eskwela pa ako o kaya’y naroon lang sa kwarto nagbabasa ng libro.
“Hon, slow down you might sprain your ankles.” narinig kong sambit ni mommy. I slowed down my pace like what she wanted.
This is my first time going to another house just to eat. Minsan din naman kaming lumalabas nila mommy pero sa isang restaurant, hindi sa ibang bahay. Though, I have nice and decent clothes to wear hindi lang ako sanay lalo pag bestida.
When I reached my bedroom, I hastily open the door and went to my wardrobe. I have different sets of designer bags, dresses and other accessories, hence I couldn’t bring myself to wear those.
Mas gusto ko pa iyong simpleng t-shirt at short pero dahil may importante kaming lakad ngayon, wala akong ibang mapagpipilian kung ‘di ang magsuot ng bestida. I choose the color pastel wraparound dress. Bumabagay sa kulay krema kong balat at pinaresan ko ito ng flat sandals. I braided my hair and didn’t bother putting any make-up. My lips were naturally red so I don’t see the need apply any lipstick.
Nang makuntento sa hitsura ko, I grab my purse and stormed out of my room. Nasa sala pa rin sina mommy at daddy, mukhang ako nalang ang hinihintay.
Mommy looked up to the stairs when she heard my steps. Magaan siyang ngumiti habang pinapasadahan ang kabuuan ko.
“You’re so pretty anak, manang mana sa mommy.” wika ni mommy ng makalapit ako.
Tumawa ako. “Saan pa ba ako magmamana? Sayo lang din naman mom." we both laughed at that.
“Everything set?” tanong naman ni daddy.
He’s wearing a blue long sleeves that is tucked on his trouser. Habang si mommy ay isang kulay pulang bestida na umabot hanggang talampakan. It had deep cut on the chest.
“Ikaw anak, may gagawin ka pa ba nakalimutan sa taas?” bumaling si mommy sa akin.
Umiling ako. “Uh, wala na po,” magalang kong sagot.
“Alright ladies, let’s go.” anunsyo ni dad.
The three of us headed to the door. Nagbilin pa si mommy kay ‘nay Jose na hindi kami dito maghahapunan. Sa backseat ako naupo sa itim na Audi ni daddy habang si mommy ay sa passenger seat.
On the way to our destination, my parents are talking about their work according to the technical term they’re using. They may are both professional in the field of medicine but they did not encourage me to take their step. Instead, they are supporting me with all the support I need, financially and emotionally. Nang sabihin ko na gusto kong magturo, walang pagtutol akong nakita sa mukha nilang dalawa. They are even enlightened about my choosing career.
Tipid akong nangiti at piniling tumanaw sa labas ng bintana. Bumalik muli sa isipan ko ang nangyari kanina sa paaralan ng makita ang isa na naman poster ni Cole. This time he is with another star, Gwynethe. Kahit sinong artista ang ipares sa kaniya ay talagang malakas ang dating.
Cole is the perfect definition of perfect, in my eyes. Sobrang kinis ng pisngi niya, kumpara sa akin na minsan tintubuan ng tigyawat. Matangos din ang kaniyang ilong at hindi pahuhuli ang manipis at mapulang labi. Iyong mata naman ay itim na itim, ‘yon ang kadalasan kong napapansin. Hindi naman ako sigurado kung iyon nga ba talaga ang totoong kulay ng kaniyang mata. Basta kahit ano pa man, hindi iyon makakabawas sa kaniyang tindig. Idagdag pa ang pagiging mabait at matulungin.
He is really perfect.
How I wish I’ll see him again.
Unconsciously, I hummed to my favorite song. Sobrang gaan ng pakiramdam ko. At alam kong aabot pa ‘to ng isang linggo.
“We’re here anak,” wika ni mommy.
I blinked when the car stopped moving. Hindi ko namalayang nasa harapan na pala kami ng isang magara at engrandeng mansyon. Binuksan ko ang pinto ng kotse at saka lumbas. I palmed my dress neatly.
Lumapit sa akin si mommy at saka inangkla ang kamay sa aking braso. Daddy on the other hand went to my side and hold the back of my waist. Sa ganoong posisyon, tinahak namin ang malaking pintuan ng bahay.
The interior design is very modern. Nang tuluyan kaming makapasok ay namangha ako sa ganda at aliwalas ng buong bahay. There was a massive chandelier hanging on the living room, may mga paintings din na naka-display sa paligid.
“Reigna, glad you came!” boses ng babae ang narinig ko.
Sinundan ko ng tingin kung saan ito nanggagaling at nakita ang isang ginang. She looked sophisticated with her red lipstick, killer heels and black dress.
Bumitaw sa akin si mommy at nilapitan ang ginang. “Of course silly, lagi naman akong present sa mga okasyong ganito.” natatawang sagot niya.
I saw how she kissed the cheeks of the woman before glancing at me. “By the way Maricar, this is my daughter Agnes Francisca.” mommy extended her hand, as if acknowledging me.
Ngumiti ako bago lumapit. “Good evening po." pagbati ko.
Tita Maricar softly laugh. “Ang ganda mo hija, how old are you again?” she asked.
“I’m twenty three na po, tita.”
Nagkatinginan si tita Maricar at mommy. Parang may sarili silang pinag-uusapan gamit lang ang kanilang mata. Maya-maya ay ngumiti si tita.
“Aw you’re so polite, I wish I have a daughter like you." mahina niyang dugtong.
“Bakit kasi ‘di niyo pa sundan ‘yong anak niyo? Bata ka pa naman, kaya pa yan.” mommy declared.
Nakita ko ang pabirong pag-ikot ng mata ni tia Maricar. “Forget it, anyway let’s eat? The dining is ready,” sambit niya bago kami tignan isa-isa.
Smiling, I looked at my mom and nodded my head.