Chapter 3: Fired

1029 Words
Matapos ang kaguluhan na nangyari kaagad na ipinatawag ng manager niya si Summer upang kausapin ang dalaga. Imbis na mag-aksaya pa ng oras kaagad na nagtungo si Summer sa opisina ng manager nila upang pakinggan ang sermon nito. Bagamat alam na ni Summer na mapapatalsik na siya sa trabaho niya, pinili pa rin niyang kausapin ang manager nila bilang paggalang dito. Lihim na lamang na napaismid si Summer nang makita niya ang reaksyon ng manager nila na para bang kulang na lamang ay malusaw siya sa sama ng tingin nito. Sa halip na makaramdam ng takot, sinalubong na lamang ni Summer ang masamang tingin sa kaniya ng manager nila. Kung kaya't isang malalim na buntong-hinininga muna ang pinakawalan ni Summer bago siya magsimulang kausapin ang manager nila. "Ms. Lexie, pinapatawag ninyo raw po ako. May problema po ba?" "Ang lakas pa talaga ng loob mo na magtanong sa akin matapos ng ginawa mo sa isa nating customer!" "Hindi ko itatanggi na mali ang ginawa ko, Manager. Hindi ko naman maaatim na maliitin ng babaeng iyon iyong lalaki dahil lamang sa hindi ito nakalalakad," pangangatwiran naman ni Summer sa Manager nila. "Kahit na! Mali pa rin ang ginawa mo! Alam mo bang sa ginawa mo sasama ang imahe ng Restaurant na 'to?" Sa halip na mangatwiran pa pinili na lamang ni Summer na manahimik, lalo na't alam niya kahit anong gawin niya ay hindi siya mananalo sa Manager nila. Bukod dito, alam din ni Summer na mali ang nagawa niya ngunit hindi niya maatim na makita na nilalait ng walang modo na babae ang lalaking walang kakayahan na makalakad. Hindi rin maintindihan ni Summer ang sarili niya kung bakit nasasaktan siya nang makita niya ang mukha ng lalaking napahiya dahil sa sinapit ng binata. Kaya naman hindi na nagtataka pa si Summer kung matatanggal siya sa kaniyang trabaho. "O, bakit natahimik ka na diyan? Wala ka na bang maisip na ikakatwiran mo sa akin?" "Ano pa ang saysay ng pagpapaliwanag ko kung sa una pa lang ay talo na ako sa iyo, Ms. Lexie. Ang hindi ko lang matanggap ay bakit one-sided ka sa nangyari na para bang lahat kasalanan ko." "Aba't sumasagot pa nga! Simula ngayong araw na 'to tanggal ka na sa trabaho! Nakakahiya ka! Dito ka pa maghahasik ng ugaling iskwater mo!" "Alam kong mali ako, Ms. Lexie, pero wala kang karapatan na husgahan ang pagkatao ko. Kung ugaling iskwater ako ano pa tawag sa iyo?" "Ang kapal naman ng mukha mo! Ikaw na nga itong binigyan ng trabaho ikaw pa itong mataas!" "Matagal ko nang alam na makapal ang mukha ko, Ms. Lexie. Kaysa naman sa mukha mong bako-bako na parang karsada!" Wala namang sinayang na oras si Summer at kaagad na lumabas ng opisina ng manager nila, habang hindi nawawala sa mukha ng dalaga ang matinding pagkainis. Hindi naman nakaligtas sa paningin niya ang ilan niyang katrabaho na para bang awang-awa sa kaniya, sa halip na pansinin pa ang mga ito nagtuloy-tuloy na lamang siya palabas sa restaurant na pinagtrabahuhan niya ng ilang buwan. Kasabay naman nito ay ang pagsakay ni Summer ng kaniyang motorsiklo at kaagad na nagpasiya na magtungo na sa munti niyang tahanan. Akmang paaandarin na sana ni Summer ang kaniyang motorsiklo nang bigla na lamang tumunog ang kaniyang cellphone senyales na may tumatawag. Nang makitang ang lalaking mahalaga sa kaniya ang tumatawag walang pagdadalawang-isip na sinagot ito ni Summer. "Where are you, Baby?" pagtatanong naman ng binata sa kabilang linya. "Pauwi na, Baby. Bakit?" "Hindi ka pa rin ba talaga babalik, Baby?" alanganing tanong naman ng binata sa kabilang linya. "Hindi na muna, Baby. Masaya na ako sa buhay ko ngayon," mahinang tugon naman ni Summer sa binata. "Ganoon ba, Baby. Basta kapag kailangan mo ng tulong ko puntahan mo lang ako sa bahay ko." "Thank you, Baby." Kasabay naman nito ay mabilis na pinatay ni Summer ang tawag ng binata, bago paandarin ang kaniyang motorsiklo. Sa isang iglap lamang natagpuan na lamang ni Summer ang kaniyang sarili na may malapad na ngiti dahil sa binatang kausap niya kani-kanina lang. Bukod dito, pakiramdam ni Summer ay bigla na lamang nawala ang inis na nararamdaman niya nang makausap niya ang binatang labis na mahalaga sa kaniyang buhay. SA KABILANG DAKO, inis na inis si Sean buhat ng makasakay ng kaniyang sasakyan dahil sa nangyari sa kaniya. Sa tagal-tagal na niyang nakikipag-blind date sa kagustuhan ng kaniyang ina, ito ang unang beses na napahiya si Sean na siyang dahilan upang mag-init ang dugo niya. Isang malalim na buntong-hininga na lamang ang pinakawalan ni Sean upang pakalmahin ang kaniyang sarili dahil sa nangyaring pamamahiya sa kaniya. Bukod sa gusto niyang manakit, pakiramdam ni Sean ay mas lalo lamang naramdaman ng binata kung gaano siya kawalang silbi sa mundo. Kasabay naman nito ay ang pagtunog ng cellphone niya senyales na may tumatawag sa kaniya, nang makita ang kaniyang ina ito, walang pagdadalawang-isip na sinagot ito ng binata. "Kumusta ang date mo anak?" may himig na papanabik na tanong ng ina ng binata sa kabilang linya. "Worst date ever! Napahiya lang naman ako dahil ng babaeng iyon! Ayokong sumama ang loob mo sa akin, Mommy, pero ito na ang huli. Ayoko nang makipag-date kung kani-kanino lang!" may inis na tugon ng binata sa kaniyang ina. "Gusto ko lang namang sumaya ka, anak." "Naiintindihan kita, Mommy, pero may mga bagay talaga na hindi pwedeng ipilit." "Sorry, Sean. I just want you to be happy." "I'm sorry too, Mommy." Matapos ang kanilang pag-uusap nagpasiya ang binata na bumalik na lamang sa kanilang mansyon, habang hindi pa rin nawawala ang pagkainis sa mukha ni Sean. May inis man na nararamdaman si Sean, hindi niya maintindihan kung bakit hindi mawala-wala sa isip niya ang waitress na tumulong sa kaniya nang mapahiya siya sa harapan ng maraming tao. Sa hindi malamang dahilan, kaagad na bumilis ang t***k ng puso ni Sean na para bang may nagkakarerang mga kabayo sa loob nito. Hanggang sa natagpuan na lamang ng binata ang kaniyang sarili na nakangiti habang iniisip pa rin ni Sean ang magandang waitress na nakapagpagulo ng kaniyang isipin. "Fvck! I want to see her again," mahinang saad ni Sean sa kaniyang sarili.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD