Chapter 1: The Handsome Beast

1112 Words
Dahan-dahan pa lang na sumisikat ang araw nang iminulat ni Sean ang kaniyang mga mata. Kaagad na bumungad sa kaniya ang kisame ng kwarto niya na may disenyong kulay puti at itim na para bang may lungkot kung pagmamasdan ito. Gustuhin man niyang tumayo at gawin ang palaging ginagawa sa umaga ng mga normal na tao, isang tanging pag-iling na lamang ang nagawa ni Sean sapagkat simpleng pagtayo lamang ay hindi pa niya magawa. Dahil dito hindi maiwasan ni Sean na mapatitig sa mga binti nitong wala nang kakayahang makalakad dahil sa mapait na sinapit niya sa kaniyang nakaraan. Nasa kalagitnaan ng malalim niyang iniisip si Sean nang makarinig siya nang sunod-sunod na pagkatok na nagmumula sa labas ng kwarto niya. Kasabay naman nito ay ang pagpasok ng isang katulong na baguhan pa lamang sa trabaho nito. Habang pinagmamasdan ang lapastanganang babae na pumasok sa loob ng kwarto niya, hindi maiwasan ni Sean na umismid dito sapagkat halatang-halata na iba ang pakay ng katulong na papalapit sa gawi niya. Batay sa suot nitong uniporme ng pangkatulong, mapapansin ni Sean na sinadya talaga ng babae na paikliin ang suot nitong palda. Isama mo pa rito na nakabukas din ang dalawang butones ng suot nitong blusa na mas lalong ikinainis ni Sean. Hindi maitatanggi ni Sean na sabik na siya sa babae ngunit wala siyang balak patulan ang taong nasa harapan niya. Samantalang ang babae namang nasa harapan ng binata ay may malapad na ngiti habang hawak-hawak nito ang tray na naglalaman ng pagkain ng amo nitong si Sean. “Good morning, Sir. Sean, this is your breakfast.” “What’s good in the morning? And, who the h*ll are you!?” galit na asik ni Sean sa katulong na nasa harapan niya. “I’m Xitel Ramirez, your personal maid starting for today.” Nakangiting sagot naman ni Xitel sa harapan ni Sean. “You’re fired! You are not suited to be my maid!” Inis na bulyaw naman ni Sean kay Xitel habang nakakuyom ang kaniyang kamao. Sa halip na sumagot si Xitel kay Sean isang malapad na ngiti lamang ang isinukli nito bago ilapag ang tray sa ibabaw ng lamesa malapit sa kama ng amo nito. Kasabay naman nito ay ang dahan-dahang hinuhubad ni Xitel ang suot nitong blusa habang papalapit sa gawi ni Sean. Sa inis na nararamdaman ni Sean kaagad niyang dinampot ang alarm clock sa gilid niya at kaagad na ibinato sa direksyon ni Xitel na siyang dahilan upang matamaan ang babae sa ilong nito na siyang dahilan upang magdugo ito. “What the eff! Bakit mo ako binato!? Alam ko namang uhaw ka na sa laman ng babae! Ikaw pa ‘tong maarte e lumpo ka naman!” Inis na sigaw ni Xitel kay Sean habang hawak-hawak ang nagdurugong ilong. “Get out! Get out, b*tch! I don’t need you here!” “Kahit hindi mo sabihin, aalis talaga ako rito! Daig mo pa ang babae kung mag-inarte! Pasalamat ka nga pinatulan pa kita kahit wala ka nang silbi!” Kasabay naman nito ay ang pag-alis ni Xitel sa loob ng kwarto ni Sean habang nanggagalaiti pa rin ang hitsura nito dahil sa hindi nagtagumpay ang plano nitong pamimikot sa bagong amo nito. Samantalang si Sean naman ay hindi mapigilan na mapakuyom ang kamao lalo na’t hindi niya akalain na umaga pa lamang ay sira na kaagad ang kaniyang araw. Sa labis na galit na nararamdaman ni Sean kaagad niyang ipinagtatapon ang bagay na mahahawakan niya dahil sa pangmamaliit sa kaniya ni Xitel nang dahil lamang sa kalagayan niya. Nasa kalagitnaan si Sean ng kaniyang pagwawala nang dumating ang katulong niya mula pagkabata na bahagya pang nagulat sa nasaksihang ginagawa niya. “Sean! Ano bang nangyayari sa ‘yong bata ka?” Nanlalaking tanong ng kapapasok lang na si Manang Josie. “That B*TCH! She disrespect me! Tinawag pa niya akong walang silbi dahil lamang sa pagiging pilay ko!” “Kumalma ka nga muna, Sean. Ako na ang bahala sa walang modo na babaeng ‘yon! Hayaan mo’t ako na mismo ang magpapalayas sa kaniya.” “Alam ko namang wala akong silbi Manang Josie, hindi na kailangan pang sabihin ng babaeng ‘yon ang bagay na ‘yon,” mapait na sagot naman ni Sean kay Manang Josie. “Huwag mong sabihin ang bagay na ‘yan, Sean. Huwag mong masyadong maliitin ang sarili mo. Kumalma ka muna diyan, babalik muli ako dito sa kwarto mo. Kukuha lamang ako ng mga panlinis nang maayos ko na ‘tong mga kalat sa kwarto mo.” Isang tango na lamang ang naging sagot ni Sean kay Manang Josie bago niya pakalmahin ang kaniyang sarili dahil sa nangyari kani-kanina lamang. Samantalang si Manang Josie naman ay kaagad na nagpaalam sa kaniya upang kunin ang mga kagamitang panlinis upang ayusin ang mga kinalat niya sa kaniyang kwarto. Sa halip na isipin pa ang nangyari kani-kanina lang, pinili na lamang ni Sean na kalimutan ito. Kasabay naman nito ay ang pagdampot ni Sean sa isang picture frame kung saan nakalagay ang larawan ng babaeng labis niyang minahal. Ngunit sa hindi malamang dahilan bigla na lamang itong naglaho na parang isang bula at basta na lamang siya iniwanan sa ere. *** Sa kabilang dako naman, abala si Summer sa pagkuha ng mga order sa table 6, nang bigla na lamang may manggulo na lalaki sa table 9. Sa inis na nararamdaman ni Summer walang pagdadalawang-isip na nilapitan niya ang lalaki na nanghaharas ng ilang kababaihan. Kasabay naman nito ay ang pagbuntong-hininga nang malalim ni Summer bago kausapin ang lalaking nangugulo sa loob ng restaurant na pinagtatrabahuhan niya. “Kung mamarapatin mo sana Mister, maaari bang itigil mo na ‘yang panghaharas mo sa kanila?” mahinahong pakiusap naman ni Summer sa lalaking nanghaharas ng mga estudyante. “Paano kung ayoko? Sino ka ba? Ikaw ba ang may-ari nito?” mayabang na sagot naman ng lalaking nanggugulo sa ilang estudyanteng babae. “Mister, nakikiusap ako nang maayos sa iyo. Ang mabuti pa ay lumabas ka na lang para walang gulo.” Sa halip na sagutin si Summer akmang sasampalin na sana siya ng lalaking nanggugulo sa restaurant na pinagtatrabahuhan niya nang mabilis siyang makaiwas dito. Kasabay naman nito ay ang paghawak ni Summer sa kamay nito at walang pagdadalawang-isip na pinilipit ito na siyang labis na ikinamangha ng mga nakakita sa ginawa niya. Hindi pa nagtagal ay kaagad niya itong kinaladkad papalabas ng restaurant habang nababakas sa mukha niya ang matinding kaseryosohan. Nang tuluyan nang mapalabas ang lalaking nanggugulo, para bang walang gulo na naganap at kaagad na bumalik si Summer sa kaniyang trabaho na ngayon ay may ngiti na sa kaniyang labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD