Chapter 3

1326 Words
HABANG LUMILIPAS ang mga araw ay mas nagiging palaisipan kay Laarni kung tatanggapin ba niya ang offer ni Mr. Lacsamana lalo na't lumalaki ang mga bayarin sa kanilang bahay. At dahil sila lamang ni Sonia ang nagtutulungan sa mga bills at ilang kailangan sa bahay ay no choice siya kundi ang mag-sacrifice na mapupunta ro'n ang kalahati ng kaniyang sahod. Matagal na silang ulilang dalawa sa magulang, dahil na rin sa maagang pagkamatay ng kanilang ina habang ang kanilang ama naman ay mayroon na ring sariling pamilya at matagal na silang hindi binibisita simula nang maka-graduate sila no'ng College. Kaya naman, malaya rin si Sonia na roon patulugin minsan sa kanilang bahay ang nobyo nitong si Jake. At isang umaga ay hindi inaasahan ni Laarni na magkakaroon sila nang hindi pagkakaintindihan ng kaniyang nakababatang kapatid na si Sonia. "Sonia? What the hell is this? Bakit dumating na lang ang pangalawang bill ng kuryente ay hindi pa rin tayo nakakapagbayad? Ano bang pinagkakaabalahan mo at hindi mo 'to maasikaso?" Tila naalimpungatan pa si Sonia mula sa pagkakagising bago siya sagutin, "Sis naman, can you please calm down? Ang aga-aga, e, napakainit ng ulo mo." "E nakakainis kasi ang pagiging iresponsable mo!" "Ako pa talaga ang iresponsable? E, one time ko lang naman nakaligtaan na hindi mabayaran ang kuryente? Sis naman, may mga personal needs din ako, at saka hindi pa naman tayo agad mapuputulan niyan, e." "Ayan tayo sa mga personal needs, e, hindi ba p'wedeng isantabi mo muna 'yon? Sonia, dalawa lang tayong nagtutulungan dito at alam mong ikaw ang nakatoka sa kuryente, ako na nga sa tubig, wifi at ilang kailangan dito sa bahay, e." "Sige, kwentahin mo pa, sis! Ganiyan ka kapag walang mapuna, e. Ako palagi ang napupuna mo!" "Hindi sa ganoon, sis, nag-aalala lang ako na baka balang araw ay may kailangan tayong pagkagastusan tapos wala pa tayong sapat na ipon," seryosong wika niya na ikinatahimik ni Sonia. "Naiintindihan mo ba ang sinasabi ko? Sonia, tayong dalawa na lang ang magkaramay sa lahat ng bagay, kailangan pa ba nating pagtalunan 'to?" Doo'y tiningala siya ng nakababatang kapatid bago pa man nagsalita. "Sorry, ikaw naman 'tong nagsimula, e. Sis, ipinauunawa ko rin sa'yo na hindi habang buhay ay magkasama tayo sa iisang bubong, balang araw ay magkakaroon tayo ng kaniya-kaniya nating pamilya at hindi naman siguro masama na minsan ay i-enjoy natin ang pagiging dalaga, 'di ba?" Sandali siyang natigilan sa sinabi ng kapatid, hindi niya kasi matandaan kung kailan niya huling na-enjoy ang kaniyang sahod. "Maikli lang ang buhay, sis. Dapat piliin palagi natin ang maging masaya, papasok na ako. 'Wag kang mag-alala at magbabayad ako mamaya ng kuryente," huling sabi nito na naging palaisipan sa kaniya. Napabuntong hininga na lamang siya at napahilamos sa sariling mukha. Unti-unting pumatak ang luha niya at kamukat-mukat ay dalawang pares ng sapatos ang bumungad sa kaniya. Napatingala siya roon at bigla na lamang siyang napangiti. "Brat? Napabisita ka?" Si Sabrina ang bumungad sa kaniya at ilang sandali pa ay pumasok na rin si Topher at patakbo rin na yumakap sa kaniya si Topher II, ang anak nina Sabrina at Topher. "Baby Toph, I missed you!" At naglaro na ang mag-ama sa may terrace habang naiwan sila roon ni Sabrina sa salas. "Nabanggit mo kasi last week na ngayon ang araw ng day off mo, e, mukhang nagdadrama ka no'n na nami-miss mo na kami ni Hanna, kaya heto dumalaw kami." "E, nasaan pala si Hanna?" "Ayon, susunod daw dahil may kailangan siyang i-meet na wedding coordinator ngayon, alam mo na ang bride to be, busy 'yon." Sandaling sumilay ang ngiti niya. "Sana all talaga." "E, ikaw? Kumusta ang lovelife?" "Naku, hanggang ngayon ay waiting pa rin kay Dave," pahapyaw niyang biro at doo'y biglang sumagi sa isip niya ang nangyari kahapon. Sandaling natawa si Sabrina. "E, bakit ba kasi hindi na lang ikaw ang magtapat ng pag-ibig? Malay mo, natotorpe lang 'yon. At isa pa, akala ko ba ay may mutual understanding na kayong dalawa?" "Sus, brat! Alam mo naman kung gaano kaloko-kaloko si Dave. Lahat na yata ng kalokohan ay nasa kaniya. Hindi ko nga alam kung kailan siya nagseryoso." "Mas maloko pa ba kay Toph?" Sandaling nawala ang ngiti nito nang pukawin siya ng tingin. "Sandali, bakit parang namumutla ka? 'Wag mo sabihing nagaya ka na sa akin na bihira kumain ng green vegetables." "Parang gano'n na nga," aniya na nagpakunot ng noo ni Sabrina. "Pero parang malala naman yata ang pagkaputla mo, natutulog ka pa ba?" pagbibiro pero may halong pag-aalalang wika ni Sabrina. "Ah, teka, sakto at may dala kaming lutong ulam ni Toph, ipinaluto niya 'to kay Yaya Isabela bago kami magpunta rito." Bumungad sa kaniya ang ginisang ampalaya na may itlog. "Mapait 'yan, brat, ayoko kumain." "Ano ka ba, si Toph mismo ang nagsabi na hindi naman mapait kapag isinabay mo sa kanin, kaya kumain ka na nito nang mawala 'yang pamumutla mo." Habang sinasabi iyon ng kaibigan ay sumasandok na rin ito ng kanin sa rice cooker. At saka ito lumapit sa direksyon niya para pilitin siyang muli na kumain. "Sige na, brat, kumain ka na." "E paano kayo? Sabayan ni'yo na akong kumain." "O, sige, tatawagin ko lang ang mag-ama." Pagkaalis ni Sabrina ay doon siya sandaling napaisip kung gaano ka-unfair minsan ng buhay. At bago pa man pumatak ang kaniyang luha ay inagapan na niya itong punasan. "Wow, buti na lang at nagpaluto ako kay Yaya Isabela ng ulam, sakto at hindi pa pala nakapagluto si Laarni," wika ni Topher na ikinangiti niya. "And thank you for this." Hindi niya maipaliwanag ang saya ng mga sandaling kasama ang mga kaibigan at para sa kaniya ay hinding-hindi niya ito malilimutan kung sakaling dumating ang araw na kinakailangan na niyang mawala sa mundo. Ilang oras lang din ang lumipas at dumating na rin si Hanna na hindi kasama ang fiancé nitong si Andrei. "Brats! I missed you, both!" pagbungad nitong sabi matapos nilang tanggapin ang yakap ng isa't isa. "Ninang Hanna, Ninang Laarni, Mama and papa look!" At napalingon naman silang lahat kay Baby Toph na may hawak-hawak na pa lang cellphone para kuhanan sila ng picture. Nakailang pose sila bago pa man isa-isang tiningnan ang kanilang picture at sa sandaling iyon ay hindi naiwasang mapuna ni Hanna ang itsura roon ni Laarni. "Brat, bakit hindi ka man lang pala nag-lipstick, ang putla mo, e." Sandali siyang nakaramdam ng kaba at ang ikinukubling sakit ay pilit itinatago. "Tinatamad ako, e. Hayaan ni'yo na, pretty pa rin naman, 'di ba?" pahapyaw niyang biro at sabay na napatango sina Hanna at Sabrina. "Ah, may naisip ako!" wika ni Hanna na nagpalingon sa kanila rito. "Ano 'yon?" tanong ni Sabrina. "Why don't we have a make up transformation! And then we are going to post it on social media!" "That's a good idea, para na rin mainggit sina Geoff, Dave at Travis," ani Topher na ikinatawa nina Hanna, Sabrina at Laarni. "So paano? Let's go?" pang-aayang muli ni Hanna. "Push!" sagot ni Sabrina. "Let's go!" wika naman ni Laarni. "Ako na ang photographer ni'yo," ani Topher na ikinalapad ng ngiti ni Sabrina. "Thank you, Toph," wika pa nito. At nagsimula na nga ang kanilang make up transformation, si Hanna ay piniling gayahin si Taylor Swift, si Sabrina naman ay si Meghan Trainor habang si Laarni ay si Avril Lavigne. Umulan iyon ng sari-saring komento sa social media at ang mas pumukaw pa ng atensyon nila ay ang mga komento mula kina Dave, Geofferson at Travis. At tila nataranta si Laarni sa sinabi ni Sabrina, "Brats, pupunta raw dito mamaya sina Dave at Travis!" "E, si Geoff?" sabat naman ni Topher. "Wala pang pm, e. Malay mo, pumunta rin 'yon." "Ayieee! Masaya 'to, magkakaroon ulit ng reunite ang buong tropa!" masayang wika ni Hanna at hindi alam ni Laarni kung paano siya magiging handa ulit na makasama si Dave na kasama ang tropa kahit na madalas niya itong makita sa trabaho. Itutuloy..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD