DAVE WAS really desperate to know the truth behind Mr. Lacsamana's personality. Kahit simula pa lamang noong una ay nakaramdam na siya nang pagdududa sa matanda, dahil sa kakaibang treatment nito kay Laarni. At sino ba namang matinong businessman ang kukuha ng kaniyang empleyado at bibigyan pa ng mataas na position kung walang dahilan bukod sa magandang performance nito? Because, he believe that in every success, you have to strive hard and work for it. Hindi naman sa kwinekwestyon niya ang kakayahan ni Laarni, pero pakiramdam niya ay may malalim na dahilan ang matanda kung bakit ginagawa niya ito sa nobya. At iyon ang gusto niyang malaman. Subalit ang ipinagtataka niya ay hindi na nagawang magpakita ni Mr. Lacsamana matapos sabihin nito ang isang katotohanan kay Laarni. Kahit mismo sa of

