LAARNI USED to refuse a call from Mr. Lacsamana, hindi naman sa ayaw niya itong makausap, kundi dahil ayaw niyang malaman nito na hindi pa siya ngayon nagpapa-chemo para tuluyang gumaling. "Sino 'yon? At bakit hindi mo sinagot, ate?" tanong ni Jake. "Isang mabuting tao." Sandali pa siyang napabuntong hininga. "At ayaw kong malaman niya na niloloko ko siya, Jake. Niloloko ko siya dahil alam kong ito ang mas makabubuti para sa anak ko." Bahagyang napaisip si Jake sa sinabi niya. "E, paano naman po si Dave? Kailangan n'yang malaman ang tungkol sa bata. "Nasabi ko na 'yan kay Sonia, Jake. Humahanap lang ako ng tamang tsempo na sabihin sa kaniya," kampanteng sagot niya. Pero para siyang binarahan ng tinik sa dibdib sa sumunod na itinanong nito, "Pero paano kung kailan gusto mo nang sabihin

