WITH THE help of investigation, ay mabilis natunton ni Dave ang kinaroroonan ni Mr. Lacsamana. Nalaman niyang sa isang village sa Quezon City ito madalas nag-i-stay. Kaya naman hindi na siya nag-aksaya ng oras para mapuntahan iyon. "Salamat, Luigi," aniya nang pumayag ito para samahan siya. "Pero bakit mo pa ba ginagawa 'to? Mr. Lacsamana is a good person, and, siguro ay hindi na natin kailangang pakialaman ang private life niya," katwiran ni Luigi. Doon siya hindi sumang-ayon sa sinabi nito, dahilan ng kaniyang pag-iling. "Pero paano kung ang kaisa-isa niyang lihim ang magbigay sa akin ng kasagutan tungkol sa tunay na ama ng girlfriend ko? Luigi, I know that it might be the best thing to do." Pagkasabi niya no'n ay maingat niyang pinagana ang makina ng chevrolet at saka nagsimulang ma

