"IT'S A good thing that you're baby is a fighter, mommy. Napaka-strong niya sa kabila nang iniinda mong sakit. I am amazed. Usually ang mga buntis na may cases na katulad mo ay only ten percent lamang ang chance na mabuhay ang bata," wika iyon ni Dra. Divina. "Thank you, doctora, pero ang sabi po last time ni Dra. Camille ay may chance na mahawa ang baby ko sa aking sakit. Is that possible?" "Yes, Laarni. Pero 'wag naman sana.. mahirap kapag nahawa ang baby mo. Mas kailangan mo lang magpakatatag ngayon hanggang sa maisilang mo siya. And you know what? I admire you both for being a fighter." "Thank you so much, doctora. Asahan mo pong lalaban kaming dalawa.. hanggang sa maipanganak ko siya," may tonong lungkot na sabi niya. Hindi niya lang maiwasang malungkot sa kaniyang magiging kapalar

