FEW DAYS after christmas day, ay bigla na lamang nagkaroon ng isang pangyayari na nagdala kay Sonia sa posibleng kapahamakan. Nag-grocery siya no'ng mismong araw na 'yon at sandali niyang iniwan si Baby Sofia sa kaniyang in laws dahil sigurado naman siyang saglit lang siya. Habang naghihintay ng masasakyan pauwi ay may huminto sa kaniyang isang black na van. Maya-maya pa'y nagulat siya nang may makitang dalawang naka-bonet na lalaki at dali-dali siyang dinakip ng mga ito kung kaya't hindi na siya nakatakbo. Nagpupumiglas siya bago pa man siya manghina sa magkabilang braso niya na hawak-hawak ng mga ito. And then she heard the boy voice, "Sumunod ka na lang kung ayaw mong masaktan." Para siyang na-hipnotismo ng mga sandaling iyon at kataka-takang isipin sa sarili niya na nanatili lang

