TAGUMPAY NA nakapag-report ang kanilang grupo sa mga pulis ng araw din mismo na iyon. Subalit nakiusap si Mr. Lacsamana na gawing lihim ang pag-aresto kay Dra. Camille, kung saan ay hindi nito mahahalata na aarestuhin na siya. Habang ang nurse na si Claire ay sinigurado ni Mr. Lacsamana na magiging safe sa kaso at maging sa kung anumang kapahamakang hatid ng doktora. "Thank you for cooperating, miss, we hope that you will fulfill your promise." Napatango ang nurse na si Claire sa sinabi ni Mr. Lacsamana habang tinatanggap ang sobre na naglalaman ng malaking halaga. "Makakaasa po kayo, sige po, hanggang sa muli." Animo'y ang takot at pangamba ng nurse na ito ay napalitan ng ginhawa at kaunting saya. Dahil na rin sa pagkakakilala niya sa grupong ito. At sinisigurado niya na hindi mababale

