Chapter 7 VIOLETTA… KANINA PA ako panay ang palihim na lingon sa paligid ko. Wala talagang tao, maliban sa akin at sa mangilan-ngilan na mga tauhan ni Alexander. May ganito bang party? Walang bisita. Nasa loob kami ng bahay ni Alexander as of the moment. Wala naman kaming ginagawa dito. Basta nakaupo lang kami sa receiving area niya. We have some tea and biscuits but other than that, wala na. The place screaming with wealth and luxury, but it doesn’t mean that it was a place for a party. This is just the house of a Alexander Moretti, nothing else. Kumbaga nasa bahay lang naman kami, tapos naka-dress ako. Hindi ko napigilan ang malalim na mapabuntong hininga. “Do I make you uncomfortable, milady?” tanong ni Alexander. Hindi ko napansin na nakatitig na pala siya sa akin, ewan ko

