Four

1996 Words
Chapter 4 VIOLETTA… HINDI KO MAINTINDIHAN ang mga magulang ko, why they’re making a fuss about this birthday of mine. Sanay ako na hindi naman bongga ang handaan na magaganap sa tuwing may okasyon sa amin. Kaya hindi ko alam bakit kailangan pa nilang paghandaan ng ganito ang birthday ko. “Mommy,” tawag ko sa nanay kong punong abala sa mga paghahanda ng venue. Sa may mismong likod bahay lang naman namin ang party na magaganap bukas ng gabi. “Violetta, anak good that you are here. What do you think about the set-up?” excited na bulalas ng Mommy ko. Sinimangutan ko siya bilang sagot, na tinawanan lang ni Mommy. “Huwag kang sumimangot, papangit ka. Paano ka na lang bukas, baka bigla kang lumubog sa kinatatayuan mo kapag nakita mo ang bisita mo,” sabi ni Mommy na may kasamang panunukso. Kapag kami lang ni Mommy ang nag-uusap nagtatagalog kaming dalawa, kaya fluent ako sa pagnanagalog dahil kay Mommy at kay Diane. I love the tagalog word hindi dahil Filipino si Mommy, kung hindi na-in-love ako talaga sa salita ng mga Filipino. Huminga ako nang malalim, tinignan ang venue bago ako tumingin kay Mommy na punong abala na naman sa pag-aasikaso ng venue. “Mom, ano ba kasi talaga ang dahilan niyo ni Daddy? Why all of a sudden you held a grand party for my birthday. Sana ibinigay niyo na lang ni Daddy ang ginastos dito sa birthday ko sa mga tauhan natin,” pagrereklamo ko. Hinarap na ako ni Mommy, maging ang mga tao sa paligid natigilan. Though hindi naman nila ako naiintindihan, but still they look at me like I did something great. “Ang baby ko talaga, you don’t have to worry about everything. Gusto lang namin ng daddy mo na i-celebrate ang birthday mo ngayon na hindi tayo-tayo lang ang kasama mo,” ani Mommy na hindi ko talaga makuha bakit kailangan pang bongga. “Mommy,” wala na akong masabi nang makita ko si Daddy na papalapit na sa amin. “Why is my princess whining?” nakangiting tanong sa akin ni Daddy. Agad ko siyang niyakap para sana sabihin sa kanya ang hinanaing ko sa buhay ng may makita ako sa likuran ni Daddy. Dahilan bakit bigla akong napakalas ng yakap kay Daddy at umayos ng tayo. Alexander Moretti in flesh in blood is in our humble home. “buon pomeriggio, signorina Violetta. Signora Leticia,” bati nito sa aming mag-ina. ‘magandang hapon, Miss Violetta. Madam Leticia.’ Lumapit pa ito sa amin para halikan ang kamay namin ni Mommy, what a true gentleman indeed. Hindi totoo ang mga nababasa ko sa mga magazine na isa siyang ruthless and heartless na nilalang. Ako ang huling hinalikan niya sa kamay, and while he’s holding my hand I felt a sudden electrifying sensation coming from him. Hindi ko alam kung naramdaman din ni Alexander ang naramdaman ko. Pero nagkatitigan kaming dalawa habang nakalapat ang labi niya sa kamay ko. “Good afternoon, Mister Moretti.” Si Mommy ang bumati sa binata. “Mister Moretti offered a helping hand,” masayang bulalas ng daddy ko habang naka-akbay ito kay Alexander. Hindi ko naramdaman kung kailan binitawan ni Alexander ang kamay ko, basta ramdam kong mariin niyang pinisil ang kamay ko bago niya ito pakawalan. “I heard that this is the first time you’re family will held a grandest party for your only daughter,” anito na hindi inaalis ang pagkakatitig sa akin. Am I dreaming? Parang dati lang tinatanaw ko lang si Alexander sa malayo, binabasa ang mga magazine kung saan siya napi-features. Tapos ngayon nasa harapan ko siya at tinititigan ako. Oh God, kung panaginip poi to huwag Niyo na po akong gisingin. “Yes, this is the first time. Thank you for you kindness Mister Moretti,” ani Mommy na ikinalingon ko sa kanya. Naramdaman ko ang paghapit sa akin ni Mommy sa aking bewang. “Violetta, why don’t you tour Mister Moretti in our house?” baling sa akin ni Mommy. Pinanlakihan ko ng mga mata si Mommy, why I have this feeling na binubugaw ako ng sarili kong nanay kay Alexander. “If that’s what you want mommy,” iyon na lang ang nasabi ko. Kulang na lang ipagtulakan ako ni Mommy papunta kay Alexander na ngayon ako hindi pa rin naaalis ang pagkakatitig sa akin. Ako na ang umiwas ng tingin sa kanya at nagsimula na akong maglakad palayo sa mga magulang ko. Ramdam ko na nakasunod naman sa akin si Alexander, ano naman ang ipapakita ko sa kanya. Sigurado akong kung anong meron kami sa bahay namin ay higit na mas maganda ang makikita sa bahay ni Alexander. “I heard that the Lady of Albergo Clan is taking up medicine, so you want to become a doctor?” si Alexander ang unang nagsalita sa amin. And I’m thankful for that, kasi hindi ko alam paano ako magsisimula ng conversation sa pagitan namin ni Alexander. “Yes, I wanted to be a general Physician only. So I can cater more patients in the future,” sagot ko naman. Nang lingunin ko siya, nakita ko siyang patango-tango lang habang marahan na naglalakad. nasa likuran nito ang kamay nito habang deretso lang ang tingin niya sa harapan namin. “This house of your family seems to be an old house,” pagbabago naman nito ng usapan. Nasa labyrinth na kaming dalawa, sa pinakabukana pa lang naman papasok sa garden. “This labyrinth seems been here for so long,” anito habang nakatingin sa harapan namin. “Yes, this was from my great grandfather’s time. I heard from my grandfather from my father’s side that our ancestors are…” hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang makita kong tahimik na nakikinig sa akin si Alexander. Nakatitig na naman siya sa akin habang parang ako lang talaga ang nakikita niya. Although, literal naman na ako lang ang nakikita niya ngayon dahil sa kami lang naman ang tao dito. Ako na naman ang nag-iwas ng tingin sa kanya, bakit naman kasi ubod ng gwapo ng taong ito. Hindi halata na thirty na siya, parang baby face pa rin siya hanggang ngayon. Hindi pa siya ngumingiti pero ang gwapo na niya sa paningin ko papaano na lang kapag ngumiti na. baka mahulog na nang tuluyan ang loob ko sa kanya, tapos wala akong pag-asa sa kanya. “You look so nervous Miss Violetta,” anito. Sa pagtingin ko ulit sa kanya nagulat ako, hindi dahil sa sinabi niya kung paano siya tumingin sa kain. Iyong may kaunting ngiti pa lang siya sa labi niya hindi na mapakali ang puso ko. Parang gusto nang lumabas sa loob ng dibdib ko at sumama na kay Alexander. “I- I’m not,” nauutal na sagot ko sa kanya. Napanganga na lang ako ng tumawa na nang tuluyan si Alexander, bakit naman ganito kagwapo ang nilalang na ito. Mas lalo akong nagulat nang hawakan ni Alexander ang pisnge ko, kahit na hindi ako tumingin sa salamin alam kong namumula na ang pisnge ko ngayon. Lahat pa yata ng dugo ko napunta na sa pisnge ko at ngayon para akong lalagnatin sa sobrang init ng mukha ko. “Don’t be nervous, I don’t bite honey.” Anito na pabulong na lang ang huling salitang lumabas sa bibig niya. Hindi ko alam na hindi na ako humihinga nang lumapit ang mukha siya sa mukha ko para ibulong ang huling salita na sinabi niya sa akin. “I guess, the birthday celebrant need some rest. Why don’t you have your beauty rest for today Miss Violetta? So that tomorrow you’ll be the most beautiful lady in your party, though for me you are really the most beautiful lady in this country,” anito nang umayos ito ng tayo. Napakurap-kurap ako ng maraming beses bago ako tumango at wala ng Sali-salitang umalis na sa tabi niya. I felt a sudden struck in my head, bakit ko iniwanan na lang basta si Alexander? Ni hindi man lang ako nagpaalam sa kanya, I look so damn idiot in front of him. Ang tagal kong pinantasya na makadaupang palad si Alexander, tapos ngayon na nasolo ko siya puro katangahan naman ang nagawa ko. “Ang tanga mo lang Violetta!” kulang na lang pokpukin ko ang sarili ko habang naglalakad ako palayo kay Alexander. Nasalubong ko pa ang mga magulang ko, pero hindi ko na sila pinansin pa at pumasok na lang ako sa loob ng bahay namin deretso sa kwarto ko. doon nagkulong ako buong maghapon hanggang gabi na hangga’t hindi ko naririnig na nakaalis na si Alexander. ………………………….. EVERYTHING IS in place, ang daming tao na ang ilan sa mga iyon ay ngayon ko lang nakita. Hindi pa ako nakakababa, I already wear my gown. Nakaayos na ako kanina pa pero wala ako sa mood na bumaba. Hindi ko makalimutan ang nangyari kahapon habang kasama ko si Alexander. Bigla na lang bumukas ang pintuan ng kwarto ko, at pumasok si Diane na tulad ko naka-gown na rin. Hawak niya ang mascara na gagamitin niya, mukhang kararating niya lang at dito na siya sa kwarto ko dumeretso. “Hello, Birthday girl.” Bati niya sa akin. Nilapitan niya ako para makipagbeso sa akin at iabot na rin ang regalo niya na hindi ko napansin kanina. “You had a lot of gifts down stair, ayokong ihalo doon ang regalo ko baka mawala mamahalin pa naman ‘yan.” Anito sabay tawa nang malakas. “Siraulo,” sabi naman sa kanya sabay tawa na rin. “Thank you, anyway hindi ka n asana nag-abala pa alam ko naman na bracelet ito. Parang hindi mo ako kasamang binili ito noong isang araw,” sabi ko na nakairap sa kanya. Tumawa lang siya, kahit papaano nawala na sa isip ko ang nangyari kahapon. Nabawasan na ang dinadala kong inis sa sarili ko nang dahil kay Diane. Nakalimutan ko na rin si Alexander habang panay ang kwento sa akin ni Diane, kaso bumalik na naman ang inis at kaba ko nang tawagin na nila ako para bumaba na at magpakita na sa mga bisita. “Happy birthday ulit, magkita na lang tayo mamaya doon sa baba.” Sabi Diane sa akin bago niya ako iwanan. Hwhen t is the time for me to come out, saka ko lang rin sinuot ang mascara na kapartner ng gown ko. until now, hindi ko talaga makuha ang gustong mangyari ng mga magulang ko. and why they’re come up with this theme for my birthday party. Naghintay lang ako ng ilang minuto bago ako tuluyan na lumabas ng kwarto ko, pababa na ako ng hagdan ng matigilan ako sa may pinakataas ng hagdan. I can’t help it but to stare the man who is waiting down stair and looking at me. Kahit pa natatapak ang kalahati ng mukha niya hindi maikakaila kung sino ang lalaking naghihintay sa akin sa ibaba. Alexader Moretti. My ultimate crush is waiting for me down stair, to escort me for this evening. Dahan-dahan akong bumaba habang hindi inaalis ang pagkakatitig ko kay Alexander who is so handsome in his white tuxedo. Na nagkataon lang kaya na katulad ng damit ko na kulay puti rin ang tela. Nang nasa tapat na niya ako, inabot niya ang kamay ko. Tulad nang ginawa niya kahapon, hinalikan niya ang kamay ko habang hindi inaalis ang mga mata niya sa akin. “Happy Birthday Lady Violetta,” bati nito sa akin nang matapos niyang halikan ang kamay ko. “Please, let me be your escort for this night milady.” Dagdag pa niya. Hindi na ako nakapagsalita pa, basta nakatitig lang ako sa kanya habang ginigiya niya ako palabas ng bahay namin papunta sa garden kung saan gaganapin ang birthday ko. Para akong nasa sinaunang party habang hindi maalis ang pagkakatitig ko kay Alexander. Ito na naman ako sa pakiramdam na para akong nananaginip ng gising habang kasama ko ang lalaking matagal ko nang pinapantasya.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD