Pag pasok pa lang ni Caleb ng kanyang silid ay agad na naagaw ang paningin nito sa picture frame na hind kalakihan at naka patong sa kanyang maliit na lamesang nasa tabi mismo ng kanyang kama.
Muli niyang naramdaman ang hindi maipakiwanag na galit sa kanyang puso.
"Until now, Calix. Hindi pa rin ako makapaniwalang wala ka na. At Isinusumpa ko. Ipaghihiganti kita. Maniningil ako ng mahal." Ani pa ni Caleb sa kanyang sarili at naikuyom nito ang kanyang kamao.
Matapos mag shower si Caleb ay nakasuot ito ng roba. Pagkatapos ay nagtungo siya sa kanyang terrace at doon ay nagsindi siya ng isang stick na sigarilyo àt dahan-dahan iyong hinithit. Saka nagbuga ng usok.
Maya maya pa ay nag ring ang kanyang cellphone kung kaya agad niya itong kinuha at sinagot ang tawag.
"Boss, Jennifer Lopez ang pangalan ng babaeng kasama ni Sabrina sa bahay nito. Nagta-trabaho siya bilang house keeping na isa sa mga hotel na pag-aari ng pamilya ninyo at nakapangalan pa rin sa umaong ama ninyo." Aniya ng tauhan nito sa kabilang linya.
"What? Pag-aari namin na nakapangalan pa kay Dad? Bakit wala akong alam?" Tanong pa ni Caleb.
"Yes, Sir. Ang mabuti pa po ay si Madam Martha na lang ang kausapin ninyo. Ite-text ko na lamang po ang address." Aniya pa ng kausap nito.
"Okay." Tipid lang na saad ni Caleb.
"Tingnan mo nga naman. Mukhang magkakaroon na ako ng dahilan para mapalapit sa kanya. Ano pang nakuha mong impormasyon? May iba pa ba?" Tanong pa ni Caleb.
"Dalawa lang silang nakatira sa bahay na iyon at isang taon na ring tambay si Sabrina. Dahil daw sa isang insidente." Dugtong pa ng tauhan nito.
"Kung gano'n anytime ay puwede akong pumunta roon dahil nandoon lang siya at nag-iisa. Kailangan mapalapit ako sa kanya. Para malaman kung ano ang ginawa niya kay Calix." Aniya pa ni Caleb.
"Yes, boss. Tama po kayo."
"Manmanan niyo silang magkaibigan. Bantayan niyong mabuti ang bawat galaw nila." Bilin pa nito.
"Opo, boss." Sagot naman ng kanyang tauhan at nawala na ito sa linya.
"Madalaw nga ang hotel na pinagtatrabahuan ng kaibigan niya. Para makaganti sa ginawa niya sa akin kanina." Nakangising saad ni Caleb.
KINABUKASAN ay nadatnan ni Caleb ang kanyang ina na kumakain sa hapagkainan.
"Sakto ang dating mo. Halikana at sabayan mo ako." Paanyaya ng kanyang ina.
Agad na umupo si Caleb at sinaluhan ang Ina nito.
"Mom, maari ba akong magtanong?" Tanong nito sa kanyang ina.
"About saan?" Kunot noong tanong naman ng kanyang ina.
"Sa isang hotel na nakapangalan pa rin kay Dad?"
Agad na napatingin si Martha sa kanyang anak. Dahil walang sinuman ang nakakaalam noon maliban sa kanya at sa namayapa nitong asawa.
"Sooner or later. Malalaman mo rin naman at isa rin iyan sa mga property na ililipat ko sa pangalan mo habang nandito pa tayo sa Pinas. Ano bang gusto mong gawin o balak sa hotel na 'yon?"
"Gusto ko lang sanang makita iyong hotel." Wika nito habang naglalagay ng pagkain sa kanyang plato.
"Bakit bigla kang nagka interest at paano mo nalaman na ang hotel na iyon ay pag-aari natin? At nakapangalan pa rin sa ama mo? Tell me, Son."
"Ang totoo, Mang. May tao akong pinapasundan at sakto na doon siya nagtatrabaho. Hindi sinasadya na nalaman ng tao ko na pag-aari pala natin ang hotel na 'yon. Ako man ay nabigla rin sa nalaman ko kung kaya sinabi ko agad sa inyo."
'Kung gano'n mukhang patagong kumikilos na itong anak ko at dahil sa sinabi niya. Mas lalo ko pa siyang pababantayan." Aniya ni Martha sa kanyang isipan.
"Do what ever you want sa hotel, anak. Dahil Isa iyan sa mga dahilan kung bakit umuwi ako rito. Wika naman ng kanyang ina.
"Ano pong ibig ninyong sabihin, Mom?"
"Naisip ko lang na lahat ng property namin ng Papang mo ay ililipat ko na lahat sa pangalan mo. Kanino pa ba lahat mapupunta ang mga ari-arian namin. Kung hindi sa 'yo at kay Calix sana." Wika ng Ina nito na naging emosyonal at nalungkot.
Agad na nilapitan ni Caleb ang kanyang ina.
"I'm sorry, Mom. Kung napigilan ko sana si Calix na hindi umuwi ng Pinas. Siguro ay buhay pa sana siya hanggang ngayon."
"Huwag mong sisihin ang sarili mo. Siguro ay may malalim siyang dahilan kung bakit siya umuwi dito sa Pinas." Anita naman ni Martha.
"Huwag kang mag-alala, Mom. Dahil hahanapin ko ang dahilan na iyon at pagbabayarin ko ang mga taong dahilan kung bakit namatay si Calix. At lalong lalo na ang mga taong pumatay sa kanya. Lintik lang ang walang ganti." Wika pa ni Caleb na nasa bisig nito ang kanyang Ina.
Matapos silang kumain ay nag kanya-kanya na sila ng lakad. Si Martha na patungo ngayon sa isang coffee shop upang puntahan ang taong inutusan nitong manmanan ang kanyang anak. At hindi nga nagtagal ay nakarating ito sa kanilang tagpuan.
"Ito po ang lahat ng impormasyon na nakuha ko sa babaeng pinuntahan ni Sir Caleb kahapon, madam." Ani ng lalaking inutusan ni Martha. At ibinigay ang ang dokumento.
"Bakit siya pinuntahan ng anak ko? At ano ang pakay ni Caleb sa kanya? Ano'ng namamagitan sa kanila?" Sunod-sunod na tanong ni Mrs. Martha.
"Base po sa nakuha kong impormasyon, Madam. Si Sabrina po ay kilala rin ng namayapa ninyong anak na si Sir Calix." Pahayag pa ng lalaki.
"Ano?" Hindi makapaniwalang saad ni Mrs. De Luca.
"Paano nangyaring kilala rin siya ni Calix?" Dugtong pa na tanong ni Martha.
"Iyon lang po ang mga nakuha kong impormasyon maliban sa mga simpleng datus na tungkol sa babae na iyan." Wika pa ng lalaki.
"May relasyon ba sila ni Calix? Ano ang namamagitan sa kanila?" Pahabol pa tanong ni Martha.
"Pasinsya na po, madam. Sa tingin ko po ay siya lang ang makakasagot ng mga tanong ninyo."
"Salamat at makakaalis ka na." Wika pa ni Martha.
"Hindi kaya siya ang dahilan. Kung bakit umuwi ng Pinas si Calix? Kailangan kong malaman. Kaya dapat ay mapalapit ako sa kanya. Hindi kaya ito rin ang tinatrabaho ni Caleb. Kung kaya nagpapanggap siyang pulubi." Saad ni Martha na napapaisip.
Samantalang kararating lang ni Caleb sa hotel na pag-aari ng kanyang Ina.
Sa pagbaba niya ng kanyang sasakyan ay sinalubong siya ng mga empleyado ng hotel.
"Maligayang pagdating, Mr. De Luca!" Sabay-sabay na wika pa ng mga ito sa binatang kararating lang.