SAMANTALANG nang makarating sa Rancho ang mag-ina ay kinausap ni Martha si Caleb. "Let's talk for a while, Caleb." "Ano pong pag-uusapan natin?" Tanong naman ng kanyang anak. "Alam ko na nagpapanggap kang pulubi para makalapit kay Sabrina at makapaghiganti. Higit sa lahat alam ko na ang pakay mo kay Sabrina ay malaman kung ano ang nangyari sa kanila ni Calix. Bago mamatay ang kapatid mo. Caleb, nalaman ko na niligtas ni Sabrina ang kapatid mo two years ago." Saad ng kanyang ina. Agad na napalingon si Caleb sa kanyang ina na naka kunot ang noo. "At bakit naman ako maniniwala? And Mom huwag po kayo masyadong magpapaniwala sa kanila. Dahil maaring hindi totoo ang mga sinasabi nila." Agad na saad ng binata. "It's true anak. At kaya pilit na umuwi ng Pinas ang kapatid mo rito ay dahil ka

