Trabaho

1093 Words
Dahil hindi na nakita pa ni Sabrina ang Pulubi ay sumakay na lang ito ng jeep pauwi. Kita sa mukha ni Sabrina ang pagkadismaya at lungkot. Pero pinili nitong itago na lang ang nararamdaman. "Madam M. Bakit pati po ako nadamay? Eh, ginagawa ko lang naman ang trabaho ko. Sinaway ko lang iyong applicant." Tanong ng Guard. "Pasinsya na, pero iyon ang utos ng nasa taas at wala na akong magagawa pa roon." Ani naman ni Madam M. "Madam M. Manghihingi na lang ako ng tawad sa Pulubi na iyon at doon sa babae. Huwag niyo lang akong tanggalin," pakiusap ni Edna. "Gaya ng sinabi ko sa guard. Pasinsya na pero iyon din ang utos sa taas. At kung pagbibigyan ko kayo. Baka ako naman ang mawalan ng trabaho. Kaya ang mabuti pa ay umalis na kayo ngayon din at ipapatawag ko na lang kayo kapag okay na ang mga back pay ninyo." Ani pa ni Madam M. Walang nagawa si Edna at ang guard sa Front door kung hindi ang sundin at tanggapin ang sinabi ni Madam M. "Sino ba ang Sabrina na iyon? Bakit gano'n siya kalakas kay Mr. De Luca?" Nahihiwagaang tanong ng manager sa isipan nito. At tinawagan nito si Caleb. "Sir, natanggal ko na po si Edna at iyong guard sa Front Door po gaya ng sabi ninyo." Wika nito. "Tawagan mo si Sabrina ngayon din at sabihing mong tanggap na siya. Sabihin mo ring mag duty na siya bukas opening shift. Seven to four PM." Tugon naman ni Caleb sa kabilang linya. "Opo, sir. Masusunod po." Agad na saad ni Madam M. At naputol na ang linya. Habang nakasakay si Sabrina sa jeep at nakatanaw sa bintana ay narinig nito ang pag ring ng kanyang cellphone. Nangtaka ito dahil ibang number ang naka lumabas at wala ito sa kanyang contact. Kung kaya sinagot nito ang tawag at pinakinggan. "Good day! Si Miss Sabrina ba ito?" Tinig mula sa hindi naka register na numero. "Hello po, Ma'am. Yes po speaking. How may I help you po?" Ani naman ni Sabrina. "Congratulations! Tanggap ka na rito sa hotel. Start na ang duty mo bukas. 7Am to 4Pm. Opening shift. Magsuot ka na lang ng white t-shirt plain at slocks na kulay itim block shoes at dont forget na magtali ng buhok. Dapat naka pusod. See you tomorrow!" Ani pa ng kausap nito. "Opo, Ma'am. Thank you po." Natutuwang saad naman ni Sabrina at hindi ito makapaniwala. At naputol na nga linya. "Nakakapagtaka. Hindi ako na interview, ah? Totoo ba 'to? Nakapasok ako ng gano'n kadali. Pero sandali lang. Ayoko ng magtrabaho pa roon dahil sa mga empleyadong nakasagutan ko kanina. Kaya dapat ay tawagan ko ulit itong tumawag sa akin. Para sabihing hindi ako papasok sa kanila. Pero paano si Jen umaasa pa naman siya. Bahala na nga." Ani na lang ni Sabrina na nagdadalawang isip at tinawagan nito ang numerong tumawag sa kaniya kani-kanina lang. "Sabrina, bakit kaya ito tumatawag?" Takang tanong ni Madam M. At sinagot nga nito ang tawag. "Yes, hello?" "Ahm hello po, Ma'am. Si Sabrina po ito." Pakilala ng dalaga. "Yes, hoe May I help you?" Agad na tanong ni Madam M. "Gusto ko lang pong sabihin na pasinsya na po. At humanap na lang po kayo ng maipapalit sa puwesto ko. Salamat po muli." Walang ka gatol-gatol na saad ni Sabrina at agad na pinutol ang linya. "Ano bang klasing babae ito? Bakit ba siya nagkakaganito? Pa importante ba siya?" Naiinis naman na saad ni Madam M. At tinawagan nito si Caleb upang mag report. "Boss, tumawag po si Madam M." Agad na saad ng tauhan ni Caleb. "Sagutin mo." Utos naman ni Caleb. "Why?" Malamig na boses na tanong ni Caleb. "Si-Sir, tinawagan ko na po si Miss Sabrina. Noong una po ay tuwang-tuwa siya sa sinabi kong tanggap na siya at mag duty na siya bukas. Pero pagkaraan ng ilang oras ay tumawag siya at sinabing humanap na raw ako ng kapalit niya." "Ano? Hindi ako papayag. Gawan mo ng paraan na bumalik siya. Dahil kapag hindi siya pumasok bukas. Ikaw ang mawawalan ng trabaho." Banta nito at nawala na nga siya sa linya. Mabilis pa sa alas kuwarto ay muli na namang tinawagan ni Madam M si Sabrina. "Ito ba iyong tumawag sa akin kanina? Sinabi ko na ngang mag hanap na lang sila ng iba, eh." Saad nito na napilitang sagutin ang tawag. "Hi, Miss Sabrina. This is Madam M. Ako iyong kausap mo kanina sa hotel. Kung iniisip mo iyong nangyari kanina huwag ka ng mag-alala pa. Dahil iyong guard at iyong isa na nakaalitan mo ay pinagtatanggal ko na sa trabaho. Kaya wala ng problema. Actually, kaya ka nga na hired dahil sa ginawa mo kanina nakita iyon sa CCTV at ako na ang humihingi ng paumanhin sa ginawa nila. So, puwede ka na bang mag start bukas?" Paliwanag at tanong pa ni Mr. M sa dalaga. "Gano'n po ba? Sige po papasok na po ako bukas. Salamat po muli." Wika naman ni Sabrina na halata sa boses nito ang saya. "Salamat kung gano'n at see you tomorrow." Ani na lang ni Madam M na nakahinga ng maluwag at pinutol na ang linya. "Hello, Sir. Okay na po. Nakausap at napapayag ko na ulit si Miss Sabrina na pumasok dito sa hotel." Agad na saad nito. "Good." Ani lang ni Caleb at naputol na ang linya. "Hay...! Sa wakas. Buti na lang. Akala ko'y mapapasama ako sa dalawang iyon." Nakahinga na saad ni Madam M at huminga pa ito ng malalim. Nang makaratin si Sabrina sa kanilang bahay ay palingon-lingon siya sa paligid. "Asaan kaya siya? Nakauwi na kaya iyon?" Nag-aalalang saad nito na para bang may hinahanap. "Sabrina? Ano'ng ginawa mo dyan? May hinahanap ka ba?" Tanong ni Jennifer nang makita ang kaibigan nito. "Ha? Wala," agad na sagot nito at pumasok na lang sa loob ng bahay. "Kumusta ang interview mo? Ano'ng sabi sa 'yo? Nakapasa ka ba? Ano?" Sunod-sunod at kinakabahang tanong ni Jen sa kanyang kaibigan. Yumuko si Sabrina at dahan-dahang nagsalita, "Jen! Pinapa Start na ako ng pasok bukas!" Tuwang-tuwa sagot nito. "Yes! Congratulations sa 'yo! Sabi ko nga, eh! Sa wakas! I'm happy for you." Natutuwang saad ni Jen at nagyakapan pa sila. "Salamat sa 'yo. Kasi kung hindi ikaw ang backer ko. Baka hindi ako natanggap. Magtatatrabaho akong mabuti para makaipon, para malaman ko kung ano ang nangyari kay Calix. " Ani pa ni Sabrina na nakaramdam ng lungkot at umaasang buhay pa ito. Saka yumakap din sa kanyang kaibigan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD