Gabi na nang nilipat si Sabrina ng ibang silid. At doon nga ay nakahawak ang ginang sa palad ng dalagang nakahiga sa kamay ng walang malay. "Mom, gabi na po. Kailangan niyo ring umuwi at magpahinga." Saad ni Caleb na nasa tabi ng kanyang ina. "What If wala nga siyang matandaan sa pag gising niya? Kung hindi naman ay hindi na siya makakita? Kung hindi niya sana ako niligtas ay hindi sana nangyari sa kanya ito." Saad pa ng ginang na sinisisi ang sarili. Habang nakakaramdam ng awa para sa dalaga. "Mom, huwag na po kayong masyadong mag-isip. Kung sakaling mangyari man ang mga iyon ay pansamanatala lang. Dahil kukuha tayo ng specialista at magagaling na doctor. Kaya huwag na po kayong mabahala." Pang-aalo ni Caleb sa kanyang ina. "Pero hindi ko pa rin magawang hindi mag-alala sa kanya." An

