Palinga-linga si Jennifer sa paligid habang patungo ito kay Sabrina na nasa hapagkainan.
"Wow, Sab! Okay ka lang ba? May lagnat ka ba?" Taka at hindi makapaniwalang tanong ng kaibigan nito.
"Ano bang pinagsasabi mo?" Masungit at balik na tanong ni Sabrina.
"Ang linis kasi ng bahay natin. At talagang kumikintab sa sobrang linis. Huwag mong sabihin na mula nang nagising ka kagabi ay hindi ka na natulog?" Tanong pa ni Jennifer.
"Tama ka, hindi na ako dinalaw pa ng antok. Ang mabuti pa ay kumain na tayo. Para makapasok ka na."
"Wow! At talagang nagluto ka rin? Thank you, ha?" Nakangiti muling saad ni Jennifer na natutuwa.
"Wala iyon ako nga dapat ang magpasalamat kasi isang taon na rin akong walang trabaho at pabigat sa 'yo." Pagpapakatotoong saad ni Sabrina.
"Ang ibig bang sabihin niyan ay okay ka na? Mabuti naman kung gano'n!" Natutuwang saad ni Jennifer.
"Oo, pero hanggang ngayon. Parang sariwa pa rin ang ala-ala na iyon."
"Binangungot ka pa rin ba? Iyon pa rin ba ang napapana ginipan mo?"
"Oo, eh. Hanggang ngayon nagtataka pa rin ako kung bakit ni report ko na sa pulis. Pero bakit wala pa ring balita? At hanggang ngayon umaasa pa rin akong buhay siya." Naging emosyonal na saad ni Sabrina at hindi maiwasang tumulo ang luha nito.
"Tama na iyan. Huwag ka ng umiyak. Ang mabuti pa ay hahanapan kita ng work mo. Para kapag may trabaho ka na may pang gastos tayo sa taong maghahanap sa kanya." Saad na lamang ni Jennifer at sumubo ito ng pagkain.
"Salamat, Jen. Isa kang mabuting kaibigan."
"Ano ka ba? Tinulungan mo rin ako noong walang-wala ako. Kaya sino pa bang magtutulungan di ba?" Saad pa ni Jennifer at niyakap ang kaibigan nito.
Pagkatapos nilang kumain ay nagpaalam na si Jen sa kanyang kabigan.
Samantalang ilang sandali pa lang ang nakakalipas mula nang makaalis si Jen ay naagaw ang pansin ni Sabrina sa isang sasakyan na kulay itim at tinted ang salamin nito naka park sa mismong harapan ng kanilang bahay.
"Kanino kayang sasakyan iyan? At bakit wala man lang bumababa? May hinihintay ba sila?" Nahihiwagaang tanong ni Sab sa kanyang sarili habang nakatanaw ito.
"Boss, confirmed. Dito nga nakatira iyong babae." Saad ng isang lalaki na nasa loob ng sasakyan na naka park sa harapan ng bahay nila Sabrina. At pinagmamasdan ang dalaga.
"Manmanan niyong mabuti ang babae na iyan at kunin niyo lahat ng information tungkol sa kaniya. Siguraduhin niyong hindi siya makakawala sa paningin ninyo. Dahil kailangan niyang magbayad ng malaking utang sa akin!" Pagbabanta naman ng isang boses sa kabilang linya.
"Huwag po kayong mag-aalala, boss. Hinding-hindi siya makakawala sa paningin ko." Saad naman ng lalaki at naputol na ang linya.
"Caleb! What is the meaning of this?!" Galit na Tanong ng ina nitong si Martha at inihagis ang mga dukumento kasama na ang plane ticket nito pabalik ng Pinas.
"Mom, gusto ko lang bisitahin ang puntod ni Calix."
"Hindi ko gusto ang gusto mong gawin! Alam mo naman na ayaw na ayaw kong may masamang mangyari sa iyo. For god sake, Caleb. Dumito na lang tayo."
"Mom, isang taon tayong nanahimik at hindi nagparamdam. Gaya ng sinabi niyo, nanahimik ako at sumunod sa kagustuhan ninyo. Pero hindi na ngayon! Kailangan kong malaman kung sino ang pum@tay sa kanya at ipaghiganti ang pagkawala ni Calix. At ako mismo ang maniningil!" Gigil na saad nito.
"Hindi ako pumapayag sa kagustuhan mo! Lalo na't ikaw na lang ang nag-iisang De Luca sa Pamilya natin!" Mariin na saad ni Martha.
Wether you like it or not, Mom. Uuwi ako ng pinas at sisingilin ko sila!" Madiin na saad ni Caleb pinulot nito ang mga dukumentong nagkalat pati na rin ang plane ticket at iniwan na nito ang kanyang ina.
"Lorna! I need ticket pabalik ng Pinas. At ang gusto ko ihanda mo lahat ng mga tauhan natin pati na rin ang rancho na titirahan namin ni Caleb. Palinis mo lahat ng hide out at lahat ng property namin. Dahil bibisitahin ko lahat, specially ang mga negosyo. And please siguraduhin mong bantay sarado sa paligid at loob ng rancho. At mag-atas ka ng isang tauhan na biente kuwatrong nagbabantay kay Caleb. Para alam ko kung saan, sino at ano ang ginagawa niya. Understood?!"
"Yes, madam. Copy po!" Saad naman ng isang babae sa kabilang linya at naputol na ang linya.
"Kung hindi kita mapipigilan Caleb. Then I'll go with you." Sisiguraduhin kong magiging ligtas ka." Taasang saad ng ina nitong si Martha.
MABILIS NA DUMAAN ang oras at araw. Hanggang sa dumating na ang araw ng flight ni Caleb pabalik ng Pinas. At hindi naglaon ay nakarating na siya.
Sa pagbaba nito ng eroplano at palabas ng airport ay nagtaka siya dahil sinalubong siya ng mga tauhan ng kanyang ina.
"What the--! Bakit kayo nandito?" Seryosong tanong ni Caleb na hindi tinatanggal ang salamin sa kanyang mata. Ngunit kitang-kita ang noo nitong naka kunot.
"Good morning po, Mr. De Luca. Kami ay inatasan ni Madam na sunduin kayo at ihatid sa rancho." Magalang na sagot ng tauhan ng kanyang ina at agad na hinawakan ang kanyang maleta.
"Hindi ako tutuloy ng rancho dahil may kailangan akong puntahan. Pakidala na lang ang gamit ko sa rancho and please. Huwag niyo akong susundan kung ayaw niyong samain kayo sa akin!" Pagbabanta nito.
"Masusunod po!" Sabay-sabay na wika ng tauhan ng kanyang ina at nauna ng naglakad si Caleb palabas ng airport ng mag-isa lang.
Imbes na sumakay siya sa sasakyan na inihanda ng kanyang ina para sa kanya ay pumara ito ng taxi at mabilis na sumakay.
"Sir, saan po kayo ba baba?" Tanong ng driver.
"Dalhin mo ako sa address na ito ngayon din." Sagot at utos ni Caleb na may inabot na kapirasong papel sa driver.
"Copy po, Sir." Aniya naman ng driver at agad na nagmaneho paalis.
"Madam, pasinsya na po. Pero binantaan po kami ni Sir Caleb na hindi namin siya puweding sundan. Dahil kung susundan namin siya ay sasamain kami sa kanya. At sa ngayon po ay on the way na kami dala ang maleta ni Mr. De Luca." Wika ng tauhan ni Martha sa kabilang linya.
"Alam ko ng mangyayari ito. Kaya don't worry dahil pinapasunda ko na siya." Ani naman ni Martha at naputol na ang linya.
Makalipas ang ilang oras na biyahe ay nakarating na nga si Caleb sa pupuntahan nito.
"Dinala niyo ba ang pinapadala ko?" Tanong ni Caleb sa kabilang linya.
"Opo, boss."
"Papasok na ako ng eskinita. Puntahan niyo na ako rito ngayon din."
"Copy, boss. Papunta na kami." Sagot naman ng tauhan ni Caleb.
"Oh! Saan pupunta iyong sasakyan na iyon? Naki park lang ba? Baka naman may hinihintay lang na tao." Takang tanong ni Sabrina sa kanyang sarili at sinusundan ng tingin ang papalayong tinted na sasakyan na kanina ay naka park mismo sa harapan ng kanilang bahay.
"Boss, sigurado po ba kayo sa gagawin ninyo?" Hindi makapaniwalang tanong ng tauhan ni Caleb habang nakatingin ito sa kanya na hindi maipinta ang mukha.
"Bakit may masama ba sa suot ko?" Balik naman na tanong ng kanilang amo. Habang pinagmamasdan nito ang kanyang itsura sa salamin na nakasuot ng gutay-gutay na damit at mukhang madungis na namamalimos sa kalye.
"Wala naman, boss. Hindi lang kami sanay na ganyan ang itsura ninyo." Saad ng kanyang tauhan.
"Kung gano'n mukhang magiging masaya ito." Makahulugang saad ni Caleb.
Nagkatinginan na lamang ang mga tauhan ni Caleb dahil hindi nila alam ang ibig sabihin ng kanilang boss.
"Maiwan na kayo rito at hintayin niyo ang pagbabalik ko." Utos pa ni Caleb at binuksan nito ang pintuan ng sasakyan.
"Pe-Pero, boss! Hindi ka puweding maglakad ng mag-isa lang." Agad na saad ng kanyang tauhan.
"Kapag sinundan niyo ako. P@tay kayo sa akin." Bantang saad ni Caleb sa kanyang mga tauhan at tinapunan niya ang mga ito ng masamang tingin.
"O-Opo, boss." Nakayuko na lang na saad ng kanyang mga tauhan at wala silang nagawa.
Naglalakad na si Caleb patungo sa harapan ng bahay nila Sab at talagang tumigil pa ito sa harap ng gate upang mapansin siya.
Sakto naman na nakita siya ng dalaga. Kung kaya nagtama ang kanilang paningin. Agad siyang nagpanggap na namamalimos.
"Palimos po, kahit limang piso lang. Pambili ng pagkain." Aniya ng binata na isinandal ang katawan sa naka-lock na gate habang nakataas at nakapasok ang isang kamay nito sa rehas ng gate.
Dahil maawain ang dalag sa mga namamalimos at hindi siya takot ay agad niya itong nilapitan at kumuha ng susi upang i-unlock ang kandado.
"Pasinsya ka na, wala akong maibibigay na pera. Pero huwag kang mag-alala dahil may natira pa kaming ulam at kanin.
"What the---" ito na nga ba ang sinasabi ko at ayaw mangyari. Mukhang mapapasubo akong kumain ng tira-tira." Aniya ni Caleb sa kanyang isipan.
"Pasok ka. Huwag kang mahiya," ani naman ni Sab na binuksan ang gate.
"Hindi na, limang piso lang kailangan ko. Pambili ng tinapay." Tangging saad ni Caleb.
"Wala talaga akong limang piso, eh. Kasi wala akong trabaho. Pero huwag kang mag-alala. Kasi mas mabigat sa tiyan ang kanin kaysa sa tinapay. Halika pasok ka." Muling saad ni Sabrina.
"Hindi ako kakain. Iinom na lang ako ng tubig." Aniya na lang ni Caleb.
"Oh, sige. Tara sa loob."
Doon nga ay sumunod ang binata sa dalaga.
Sa pagpasok nila sa loob ay agad na pinagmamasdan ni Caleb ang loob ng bahay na para bang sinusuri ang bawat sulok nito.
"Umupo ka muna rito at kukuhanan kita ng tubig." Bilin pa ni Sab kay Caleb at nagtungo ito sa kusina.
Agad na umupo si Caleb at nakita nito ang maiit na frame sa wall. Hinding-hindi siya maaring magkamali at talagang naikuyom nito ang kanyang kamao.
"Magbabayad ka sa akin." Aniya pa sa isipan ni Caleb at halos mamula ang kanyang mata sa galit na nararamdam nang makita ang litrato ni Calix.
"Okay ka lang ba?" Takang tanong ni Sabrina nang makita nito ang namamalimos na titig na titig sa litrato nila ni Calix.
"Sino siya?" Maang-maangan ni Caleb na tanong habang itinuturo ang litrato.
"Siya ba? Siya ang kaibigan ko si Calix." Nakangiting sagot ni Sabrina.
"Nasaan siya?" Muli pang tanong ni Caleb.
"Ang totoo, hindi ko rin alam kung nasaan siya." Sagot ni Sabrina na kita sa pagmumukha ang lungkot.
"Kung gano'n hindi niya alam ang nangyari kay Calix?" Inis na tanong sa isipan ni Caleb.
"Di ba sabi mo kaibigan mo siya? Bakit hindi mo alam kung nasaan siya?" Tanong pa ni Caleb.
"Kasi....kasi--" Hindi maituloy-tuloy na saad ni Sabrina dahil nakaramdam ito ng takot. At nanginginig ang katawan tuwing maaalala niya ang nangyari sa nakaraan.
"Tama iyan! Isipin mo ang nakaraan dahil ng dahil sa 'yo namatay ang kapatid. Ikaw ang pumatay sa kanya." Saad naman ni Caleb na natutuwa nang makita si Sabrina na nag hysterical.
"Aaahhh! Hindi! Hindi! Calix! Calix! Bumalik ka!" Sigaw ni Sabrina na tinakpan ang magkabilang tainga nito at dahan-dahang napaupo mula sa kanyang kinauupuan.
Hanggang sa bigla na lang bumukas ang pintuan.
"Sab! Sab! Okay ka lang ba?" Tanong ni Jennifer na kararating lang agad na nilapitan ang kaibigan nito at humarap kay Sabrina.
"Jen! Jen!" Saad naman ni Sabrina nang makita ang kaibigan at mabilis niya itong niyakap. Hanggang sa makit niya ang isang pulubi.
"Sino ka? Umalis ka rito. Kung hindi tatawag ako ng Pulis!" Malakas na sigaw ni Jennifer.
Agad naman na nilapitan ni Sabrina ang pulubi.
"Sandali, hindi siya masamang tao. Namamalimos lang siya. Pinainom ko lang siya ng tubig kaya andito siya sa loob." Paliwanag naman ni Sabrina.
"Hilika rito, Sab!" Mabilis naman na saad ni Jennifer at hinila ang isang kamay ng kaibigan. Mabilis din nitong kinuha ang babasagin na flower vase.
"Umalis ka ngayon ding lalaki ka! Kung ayaw mong ipokpok ko sa 'yo itong flower vase na hawak ko!" Banta nito.
"Sino ba itong babae na ito! Panira siya sa mga plano ko!" Inis na saad ni Caleb sa kanyang isipan.
"Hindi ka aalis? Mga kapit bahay!" Sigaw pa ni Jennifer.
"Naloko na!" Walang nagawang saad ni Caleb at agad itong tumakbo palabas.
"Hindi pa tayo tapos." Aniya pa ni Caleb sa kanyang isipan.