"Kailangan ba talagang kasama ang babaing yun sa seminar nyo sa Batangas, ha Paulo?" sigaw na naman sakin ni Kelly. Anong magagawa ko, ako ang pinadala ni Mr. Vera as our school representative at ngayon ko lang nalaman na ang kasama ko ay si Alexis.
"Ilang beses ko bang sasabihin honey ko na ngayon ko lang nalaman. At isa pa hindi naman ako masaya kung kasama ko yun." totoo naman talaga e... hindi na ko nasisiyahan sa kakadikit ni Alexis sakin dahil alam kong masasaktan lang si Kelly.
"Anong number ni Mr. Vera?" sabi nya at kinuha ang phone ko at nagsearch sa contacts.
"Kelly, anu ba?! Stop being hard headed! Wala akong gagawing masama dun. Nandun lang ako para sa seminar, nothing more nothing less!" naningkit na ang mga mata nya dahil napagtaasan ko na sya ng boses. Hayy.. wrong move Paulo!
"Huh! Siguraduhin mo lang yan Paulo! By the way, ilang araw KAYO doon?" sabi nya at tinulungan na ko magpack ng things ko, ngayon kasi alis namin. Sasabihin ko ba sakanya? "Paulo?! I'm asking you kung ilang araw KaYO ng makating babaing yun sa Batangas?!" galit na sya. Halos magusot ang polo ko sa pagkakalagay nya sa maleta.
"A-aa... ee... 2 weeks daw?" nag-aalangan kong sagot sakanya. Napatigil naman sya sa ginagawa nya dahilan para mas lalo akong kabahan. Alam kong nauubos na pasensya nya.
"2 WEEKS?! SERIOUSLY? SEMINAR PA BA YANG PUPUNTAHAN NYO OR BAKASYON?!!!" sigaw nya sakin.
"Low down your tone, Kelly. Baka magising si Jared." sabi ko sabay silip sa anak naming mahimbing na natutulog.
"HINDI MO AKO MASISISI NA MAGWALA AT MAGSISISIGAW DITO! IMAGINE, MY HUSBAND WILL GO WITH THAT b***h WITHIN 2 WEEKS. NOT 2 DAYS, NOT 1 WEEK BUT 2 WEEKS! MY GOD PAULO!!" sigaw na naman nya.
"Kelly, please do understand that--" dingdong. Istorbo. Iniwan ako ni Kelly para buksan ang pinto. Pero narinig ko nalang ang pagsigaw nya.
"WHAT THE HELL ARE YOU DOING HERE?"
Napababa naman ako sa living room para tingnan ang nangyayari sa baba. Ang I am right. It's Alexis.
"Whoa.. chill lang girl, nagHi naman ako diba? Pero makasigaw ka wagas.. walang manners?" tapos nagsmirk sya kay Kelly.
"Ano ba kasing kailangan mo, ha?!" iritableng tanong ni Kelly. Pero patuloy parin sa pagsmirk si Alexis. If I know talagang sinasadya nyang inisin ang asawa ko.
"I'm here because I am going to pick up Paulo. Gusto ko kasi sabay kaming umalis" sabi ni Alexis with malanding tone.
"Bakit? naghihirap ka na ba at nagtitipid ka sa gasolina? or natatakot kang maligaw?" tanong ulit ni Kelly.
"Alam mo my dear--" naputol ang sasabihin ni Alexis ng marealize nyang nandun na ako hawak ang maleta ko.
"Oh, there you are Paulo. Mukhang di maganda ang gising ng asawa mo ah?"
"Depende kasi yun sa kausap nya" tapos nagtaas si Alexis ng kilay tapos nangiti naman ng patago si Kelly.
"Whatever! I'll go in the van now, bilisan mo!" umalis ng bugnot si Alexis at padabog na pumasok sa van.
"Ikaw Paulo ha?! Dapat ganyan ka the whole stay nyo dun." sabi ni Kelly natawa nalang ako.
Hinawakan ko ang mga kamay nya at itinapat yun sa puso ko. "Ito ang tatandaan mo, ikaw at ikaw lang ititibok nito. Wag kang magisip ng kung anu ano. Ikaw lang ang babaing kayang magpatibok ng mabilis nito. At hinding hindi magbabago yun." tapos hinalikan ko sya ng very passionate, sobrang tagal. Naputol lang noong binusinahan na kami ni Alexis. Ingitera talaga.
"HEY!!! ANO BA?! ANG DADRAMA ABA! BILISAN PWEDE! KAINIS" sigaw ni Alexis.