Hello there, gusto nyo ba akong makilala? Oh, well... as you can see, ako ang babaing patay na patay kay Paulo... siguro iniisip nyo ako si Valeen ng book 1? No,no,no my dear... patay na yun.. pero ako? Alive and kicking!
Ako si Alexis Vera maganda, mayaman, sexy at matalino. Lahat ng gusto ko nakukuha ko. Isa akong Therapist sa America. Anak ako ni Dr. Vera ang principal kung saan nagtuturo si Paulo. Nagtataka siguro kayo kung paano ko sya nakilala noh? Sige.. let's have a flashback.
**FLASHBACK**
Nakilala ko si Paulo Santiago sa isang Medical Hospital sa Los Angeles years ago. Bago pa lang ako sa Hospital na yun kaya wala akong masyado pang kilala. Naging pasyente ko sya dahil ako ang nirecommend ng superior namin. Unang kita ko pa lang sakanya nahulog na ko. Though, di sya namamansin at lagi lang nakatingin sa malayo.
Pinilit kong mapalapit ang kalooban sakanya. Noong una, sinisigawan nya ako at si Kelly, yung asawa nya lang ang hinahanap nya. The hell sino ba yun? Maganda ba yun? Yun lagi naiisip ko.
Kahit ganun, pinakita ko parin sakanya na mabait ako at kaya ko syang alagaan. At dahil nga sa spinal chord ang may damage... kinailangan nyang magwheelchair, and I know he hated it. So, tinulungan ko sya na muling makalakad.
1 year passed, nakarecover na sya. Todo pasasalamat ang binibigay sakin ng mga magulang nya. Pero sya, nagpatuloy paring malayo ang loob sa akin. Doon ako nadisappoint, all my hardship were in vain. Wala lang sakanya ang lahat. Ang sakit. With a limited time, natutunan ko syang mahalin, and yet di nya to napansin.
Then one day, nagulat ako. Pinuntahan nya ko sa quarters namin saying thank you and goodbye. Magdidischarge na daw sya at uuwi na sa bahay nila. Tinanong ko sya kung sa Pilipinas ba sya uuwi pero sabi nya ay hindi, matatagalan pa. So, naglakas loob akong hingin ang address ng bahay nila sa L.A. para madalaw dalaw ko ang lagay nya-- syempre palusot ko lang yun. Dadalaw ako para mafall in love din sya sakin at tuluyan nang kalimutan ang asawa nya. Binigay naman nya at sa sobrang saya ko, nayakap ko sya. Then, I suddenly feel sparks.
Kaso naging sobrang naging busy ako after that day. 1 month later, naisipan kong puntahan sya sa address na binigay nya. But, I was too late. Umalis na pala sila dun ng mga magulang nya. Nagpunta na pala sila sa Madrid Spain para ipagpatuloy nya ang Masters Degree nya sa Arts.
Nanlumo talaga ako. Pero naisip ko na di ako dapat sumuko.
Lumipas na naman ang 1 taon, nagkrus na naman ang landas namin ng mga magulang nya. Nagpunta kasi sila sa Hospital ulit para kunin ang mga Medical records ni Paulo. Tinanong ko kung bakit, sagot nila'y malapit na kasi silang bumalik sa Pinas.
Sobra akong depressed simula ng malaman ko iyon. Di ako natutulog, minsan lang din kumain. Obssess na nga ako yata. Gusto ko ulit syang makita. Then, naisipan kong maghire ng private investigator. At dun, napagalaman ko na nagpakasal sila ulit ng asawa nya. Halos gumuho ang buong mundo ko. Di ko alam ang gagawin ko.
Napagdesisyunan kong baguhin ang sarili ko. Mas lalo ko pang pinaganda ang sarili ko. At nabalitaan ko isang araw na naghire si Daddy ko ng isang magaling na teacher sa Arts yun nga ay si Paulo Santiago.
***END OF FLASHBACK***
So, ayun nga planado na ang lahat.. umuwi ako dito para simulan ang OPLAN AGAWIN SI PAULO, hahaha... so be ready!