Sabi nga nila, malalaman mo lang ang halaga ng isang tao kapag wala na sya. Yung para kang napilayan dahil nawalan ka ng paa. Oo, ngayon mismo ganun parin ang nararamdaman ko. Five years believe it. 5 years ko na silang iniitay pero parang wala na talaga. Pang noong una lang na nalaman kong iniwan na nya ako...
*FLASHBACK*
"kELLY! KELLY! ANO BA?! LUMABAS KA JAN SA BAHAY NYO! UMUWI NA KAYO NI JARED!" sigaw ko sa labas ng bahay ng mga Araneta. Nagiiskandalo na ako, pero wala akong pakialam kung pagtinginan ako dito. Basta ang gusto ko lang iuwi na ang pamilya ko.
"DAD! PLEASE.. I'M BEGGING YOU! ILABAS NYO NA PO SI KELLY AT JARED, PAG-USAPAN NATIN TO!" napaluhod na ko sa sobrang emosyon. Halos dumapa na ko sa tapat ng gate nila pero ni isang anino wala.. walang lumalabas. I was about to shout again when a woman, in her late 40's approached me.
"Iho, ikaw ba si Paulo?" tanong nya
"o-opo, bakit po? Sino kayo?" pero imbes na sagutin ang tanong ko, tinulungan nya akong tumayo at inaya sa loob ng bahay nila Kelly.
"Te-teka lang po, sino ba kayo?" tanong ko ulit ng makapasok kami sa loob.
"Ako si Sonia Perez, katiwala ako nila Mr. and Mrs. Araneta. Ako muna ang mamamahala dito." paliwanag nya. Pagkasabi nya ay napatingin ako sa paligid, puro puting tela ang nakabalot sa mga furnitures nila.
"Kayo? Ba-bakit? Asan po sila?" nalilito ko paring tanong
"Kung nasaan sila, hindi ko alam. Basta tinawagan lang nila ako kahapon na aalis na sila at pupuntang ibang bansa. Kasama ang mga anak at yung batang maliit na kahawig mo iho" sabi nya. What? Aalis--i mean umalis.. sa ibang bansa?
"Asawa po ako ni Kelly at anak po namin yung bata." sabi ko
"Nga pala, may iniwan saking sulat si Kelly, ibigay ko daw sayo. Sige iho, naglilinis pa kasi ako sa bakuran.. makakaalis ka na" sabi nya at tumayo. Nagpaalam na rin ako at umuwi ng bahay.
Pagdating ko sa bahay, kumuha ako ng beer sa ref at binuksan ang envelop. Kinuha ko ang sulat at binasa..
Dear Paulo,
Una sa lahat, gusto kong malaman mo na galit na galit ako sayo. Hindi ko alam kung saan ako ngakulang bilang asawa mo. Natatandaan mo ba noong bagong kasal tayo? Yung "arrange marriage" lang. We used to fight, we used to shout, we used to shut doors when we are mad. Sana naging ganun na lang tayo at least doon, hindi ako nasasaktan. Natotorete lang. But then, I learned to appreciate you, I learned to laugh with you, I learned to hug you tight and most importantly was, I learned to care about you.. I learned to Love you. But I think Love is ain't enough right? Because If my love is enough, you'll not do things that could lead this family broken.Thank you for all the memories that we've share. Thank you for giving me Jared. I am not selfish you know that, but for my child I will. I am not taking away our child beacuse you're an irresponsible father, always remember you are not. JARED LOVES YOU.
Paulo, we're leaving... me, jared, Mom and Dad, and Kuya. They are all angry with you. So am I. I hate you. I'm sorry but I can't take it anymore. Inside this envelop is my wedding ring. Goodbye!
~ Kelly
Halos pulang pula na ako sa kakaiyak.. mukha na akong gay ngayon. Kinuha ko ang envelop at nakita ko nga ang wedding ring nya. God Kelly, Why are you doing this to me. I love you so much.
*END OF FLASHBACK*
So that's me five years ago, ugly and miserable. Hanggang ngayon naman. Kaya nga nandito ako ngayon sa bar, nag-iinom. Gusto ko nang mamatay pero kahit yata isang drum na alak ang inumin ko, paulit ulit lang sa isip ko ang sulat nyang iyon.
"Bro, isa pa ngang shot" tapos nilagyan ulit ng bartender yung shot glass ko. Iinumin ko na sana pero may kumuha.. "Sh*t! Ano ba?!" sabi ko pero wala, ininom ni Alexis ng straight yung shot ko.
"Tama na Paulo, anu ba?!" sigaw nya. Sapakin ko kaya to?! Sya ang may kasalanan kung bakit ako iniwan ni Kelly.
"Wag na wag mo akong pakikialaman. Alam mo? hindi ko alam kung anong mali sayo? Hindi ka naman bobo pero bakit ba hindi mo magets na ayaw kitang makita, ayaw kitang makausap. Better get lost!"
"Tandaan mo, may anak tayo! Lagi kang hinahanap ni Yuan pero lagi kang missing in action!"
"Anak? Ah.. oo bwiset! Kayo... kayong dalawa ang dahilan kaya ako iniwan ng mag-ina ko.. kaya ako tinakwil ng mga magulang ko!"
"Wag mo sakin isisi lahat! Kasalanan ko bang mahina ang asawa mo at tanga?" sabi nya. Aba't sumusubra na ito ah?
**paaakkk**
Nasampal ko sya ng wala sa oras. Napatingin naman samin yung mga tao. "Huwag na huwag mong sasabihang tanga ang asawa ko.. hindi lang yan ang aabutin mo" sabi ko sabay inom ulit ng alak. Nakakasira ng bait ang baliw na ito.
"Magmove on ka na, kinalimutan ka na nya..." sabi nya, napatingin ulit ako sa kanya
"Move on? Anong sinasabi mo?!"
"Paulo, hindi ka na nya mahal!" sigaw nya
"Mahal nya ko, pwede ba?!" sigaw ko sabay tapik ng kamay nya sa braso ko.
"Mahal? Pagmamahal bang tawag yung iniwan ka nya?!"
"Oo dahil..." napatigil ako, ano nga bang reason?
"Huh, see? Ilang taon kaba nagpaikot - ikot around the world para lang makita sila diba halos buong buhay mo?" sabi nya tapos umiyak na sya. "Noong manganganak ako kay Yuan, nasaan ka? Diba nasa America ka.. hinahanap mo sila? Bumalik ka bang kasama sila? Diba hindi naman" dugtong nya
"Wag kang magpaawa effect dahil hindi bagay" bulong ko, pero tumingin sya sakin. Blank lang lahat.
"Hindi sya babalik sayo! She left you hanging, kami ang nandito! Papasukin mo naman kami sa buhay mo!" sigaw nya na para bang inagawan ng attention.
"Sorry Alexis, pero ikaw ang pumili ng ganyang buhay. Actually, si Yuan pwede pumasok sa buhay ko.. pero ikaw? Hindi.. I am saying it franckly, you can't." sabi ko. Binayaran ko ang ininom kong alak at lumabas ng bar.
Kailan kaya Kelly... kailan kaya kita makikita?