“Bakit ang tagal mo? Jumebs ka ba?” natatawang biro ni Stella pero hindi agad ako nakasagot. Damang-dama ko pa rin ang init ng mga labi ni Vinzon sa mga labi ko. Hindi ko rin alam kung dapat ko bang sabihin sa kanila ang nangyari lalo na at nandito lang si Yohan.
Umiling na lamang ako. “Medyo nahihilo lang ako kaya nagpakalma ako saglit,” pagsisinungaling ko. Agad namang hinawakan ni Yohan ang kamay ko at kinapa pa ang noo ko.
“Mabuti pa siguro, magpahinga ka muna. Gusto mo bang mahiga muna sa sasakyan?” alok pa ng nobyo ko. Actually, gusto ko nga munang umalis dito dahil ramdam ko ang dalawang pares ng mga mata na kanina pa nakamasid sa akin.
“No. Can we go somewhere for a while? Pero, pagod ka, eh. Kahit joyride lang sana ng ilang minuto gano’n.”
Isinandal ko ang ulo ko sa dibdib niya. Pumulupot naman ang isang kamay niya sa baywang ko.
“It’s alright. I can manage,” sagot naman niya. Hindi agad ako gumalaw sa puwesto ko, ngunit makalipas ang halos isang minuto ay tiningala ko siya.
“Okay, let’s go. Kahit sandali lang. I just feel suffocated here,” yaya ko na sa kaniya. Inalalayan pa niya akong makatayo.
“Guys, labas lang kami saglit,” paalam ko sa mga kaibigan ko.
“Yeah. Mag-ingat kayo,” ani Byron. Kumaway at ngumiti lang ang iba.
Nagpunta kami kina Mommy at Daddy para magpaalam.
“Dad, Mom, labas lang kami saglit. Medyo sumama po kasi ang pakiramdam ko,” mahinang saad ko sa kanila.
“Saan naman kayo pupunta? Gabi na?” tanong di Daddy.
“Diyan, diyan lang po siguro. I just need some fresh air po,” magalang ko namang tugon. Tumango naman ito sa amin.
“Oh, sige. Basta mag-ingat kayo, okay?” paalala naman ni Mommy. Tumango lang ako at magalang ding nagpaalam sa Mommy at Daddy ni Denzo.
“Are you going to tell me now what’s bothering you? You’ve been acting strangely.”
Napalingon ako kay Yohan nang magtanong siya. Saglit lang niya akong tiningnan bago muling bumaling sa daan. Dahan-dahan lang din ang pagpapatakbo niya. Nakabukas din ang mga bintana namin dahil mas gusto ko iyong lamig ng panggabing hangin.
“I want to move out of our house. May sarili na akong condo pero ayaw pa rin naman akong payagan ni Daddy na lumipat at doon na tumira. I want to live my life on my own way. Hindi iyong para akong bata na minamanduhan pa rin ni Daddy hanggang ngayon,” reklamo ko na nasundan pa ng buntong-hininga.
“I know a way for you to get out of your house,” nakangiting tugon niya. Mabilis ko siyang nilingon sa sinabi niya. Bigla ring bumilis ang t***k ng puso ko.
“How? You know how much I want that, right?” dagli kong tanong. Hindi siya agad sumagot bagkus ay iginilid niya ang sasakyan.
Pagkatapos ay seryoso siyang humarap sa akin at tinanggal pa ang seatbelt niya.
“You know how much I love you, right?” tumango ako. “Alam ko na ako ang nagsabi na hihintayin kong mahalin mo rin ako. Hindi ko hinihinging pantayan mo ang pagmamahal na ibinibigay ko sa iyo. I am actually satisfied already that you are at least mine. We are official.”
Sabay kaming natawa sa sinabi niyang iyon.
“Ano bang pinupunto mo?” nakangiting tanong ko.
“I was planning for a greater scene for you, but I guess I can just surprise you in another way,” tugon naman niya. Sumilay ang makahulugan niyang ngiti habang may dinudukot sa bulsa niya.
Nang mailabas na niya iyon ay nanlaki ang mga mata ko. Bigla akong kinabahan at nakagat ko ang pang-ibabang labi. Nakatitig lang din sa akin si Yohan.
“Yohan…” mahinang sambit ko sa pangalan niya nang akmang bubuksan na niya ang maliit na kahetang hawak niya. Hindi ako tanga para hindi malaman kung ano ang laman niyon at kung para saan iyon.
“Ipinagawa ko ito noong araw na sinagot mo ako. Ewan, masiyado akong advanced mag-isip. Gusto kong ariin ka na ng buong-buo. At ito ang paraan na sinasabi ko para makaalis ka sa bahay ni’yo.”
Lalong naumid ang dila ko at nakatuon lang ang pansin ko sa hawak niya. Tuluyan na niyang binuksan iyon sa harapan ko. Tumambad ang isang napakagandang diamond ring.
“Kishree, will you marry me? Will you be my Mrs. Yohan Jace Guevara?”
Napasinghap ako kasabay ng pag-awang ng mga labi ko. Kasal ang isang bagay na kahit minsan ay hindi man lang sumagi sa isip ko. Well, isang beses noong high school. Pero ngayon, I’m not really sure. I am not even ready.
“Yohan, hindi pa ako handa,” nausal ko. Ngumiti naman siya agad sa akin.
“This is just a proposal. Hindi pa naman tayo magpapakasal agad-agad,” tugon naman niya. Biglang naging magulo ang utak ko at hindi ko alam kung paano magre-react ng tama sa kaniya.
But this will definitely be a good way to escape our house. Ako ang bunso sa tatlong magkakapatid. Ang mga kuya ko ay parehong may mga asawa na at nakatira sa ibang bansa. I wanted to work abroad, too, and have my own construction firm there, but my parents did not allow me. Gusto kong dito na lang itayo ang negosyong nais ko pero hindi ko rin magawa dahil kailangan kong alalayan si Daddy sa pagpapalakad ng university. I am so tied up and so desperate to be freed.
“Kung gano’n, hindi pa rin ako makakaalis sa bahay. Saka Yohan, hindi biro-birong bagay ang kasal,” katuwiran ko.
“Then we can get married right away if you want,” suhestiyon naman niya pero napailing naman ako.
“Magtu-24 pa lang ako. I still need my parents’ consent to get married. It’s not a good idea,” paalala ko pa sa kaniya. Isang malalim na buntong-hininga naman ang pinakawalan niya.
“At least you did not say ‘No’ to me,” nakangiting sambit niya at muling isinara ang kaheta at ibinalik sa kaniyang bulsa.
“I can marry you someday. But not too soon. I still have a lot to achieve for myself,” sagot ko at sumandal sa upuan. I closed my eyes.
Pero napadilat ako nang lumapat ang mga labi niya sa akin. Nagsalubong ang mga mata namin pero ipinagpatuloy niya ang paghalik sa akin kaya naman pumikit na lamang ako ulit at tinugon siya. Maybe I need this para mabura ang kawalanghiyaang ginawa sa akin ni Vinzon kanina.
Kinabukasan, pagkatapos ng libing, ay kaming mga magkakaibigan na lamang ang naiwan sa sementeryo. Hindi na yata maampat-ampat ang mga luha namin sa pagkawala ni Denzo. Hanggang ngayon, mabigat ang mga loob namin at hindi pa rin kami makapaniwalang sa ganito lamang hahantong ang buhay niya.
“Ang hirap tanggapin. Ni hindi ko man lang nasabi sa kaniyang mahal ko siya,” humihikbing sambit ni Mariella. Lalong kumirot ang puso ko dahil doon.
“He is our big brother, our leader and our bestfriend. Ang sakit-sakit pa rin,” nausal ko at muli na namang lumandas ang masaganang luha mula sa mga mata ko.
Nagtagal pa kami roon ng halos isang oras bago tuluyang nilisan ang lugar. Mabigat ang bawat hakbang namin at tila ba isang bahagi ng pagkatao namin ang namatay sa pagkawala ng isa sa aming matalik na kaibigan.
Dumating ang araw ng linggo at kunot ang noo ko nang makitang abala ang lahat lalo na ang mga maids.
“Ate Gina, ano pong meron?” tanong ko sa kusinera namin. May bitbit siyang malaking supot na mga gulay yata ang laman.
“May bisita raw po ang Daddy ninyo mamayang gabi, Ma’am, kaya nagpapaluto ng marami,” tugon naman nito. Lalong kumunot ang noo ko pero tinanguan ko na lamang siya.
Hinanap ko si Mommy para tanungin kung sino ang sinasabing bisita pero umalis daw ito kasama ni Daddy.
Sinubukan kong tawagan ang mga kaibigan ko pero busy din ang mga ito. Si Yohan naman ay may ike-cater daw na malaking event ngayong araw kaya busy din.
Bumalik na lamang ako sa silid ko at ibinagsak ang katawan sa kama. Nagkausap kami ni Tito Gary kahapon ng hapon at ipinagtapat na nga niya ang lahat sa akin. Bankrupt na ang university pero parang hindi man lang bothered si Daddy. Siguro ay dahil nagkasundo na sila ng Vinzon na iyon at ito na marahil ang tutulong sa kaniya para isalba ang university. Malaking iskandalo ito kapag nakalabas sa media.
Madilim na nang muli akong lumabas ng silid ko. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako habang nanonood ng Bloodhounds na Kdrama. Kumakalam na ang sikmura ko dahil nagmeryenda lang pala ako at hindi na nakakain ng lunch. Tinamad na kasi akong bumaba kanina.
“O, Kishree, gising ka na pala. Magbihis ka na at maya-maya lang ay darating na ang bisita ng Daddy mo,” utos ni Mommy sa akin. Nagsalubong naman agad ang mga kilay ko.
“Bakit kasali pa ako? Bisita lang naman pala ni Daddy?” nayayamot kong tanong. Balak ko nga sanang yayaing mag-bar ang mga kaibigan ko.
“Buong pamilya tayong haharap kaya umayos ka, anak. Mahalaga sa Daddy mo ang bisita natin ngayong gabi,” pagbibigay-diin pa ni Mommy.
Hindi na ako nakipagtalo pa at sumunod na lang. Kumuha na lamang ako ng isang apple at kinain iyon bago naligo.
Isang simpleng floral dress na lang ang isinuot ko. Hindi na rin ako nag-abalang maglagay pa ng makeup at pinatuyo ko na lang ang mahabang buhok ko saka itinali pataas.
Pagdating ko sa hapag-kainan ay agad nasira ang gabi ko nang makita kung sino ang sinasabi nilang bisita. Nakairap at pabagsak akong naupo.
Hindi ko akalaing ang gabing ito pala ang magiging umpisa ng bangungot ng buhay ko dahil ipinagkasundo na ako ni Daddy kay Vinzon para pakasalan ito.
Naging mabilis ang mga pangyayari at ilang araw lang ay nakasal na ako sa lalaking ni sa panaginip ay hindi ko inakalang mapapangasawa ko.
Back to Present Time…
Sa huli ay natagpuan ko na lang ang sarili na nakatira na sa bahay ni Vinzon at walang pakundangan niyang nilalapastangan ang katawan ko.
Nagising akong masakit ang buong katawan ngunit hindi pa rin nito matutumbasan ang sakit ng dibdib ko. Labis-labis ang kirot ng puso ko dahil hindi ko talaga akalaing mangyayari sa akin ang ganito.
Now I am like a prisoner in this gigantic mansion owned by a devil. Hindi ko alam kung ano’ng kasalanan ang nagawa ko at naging ganito ang kapalaran ko.
Hirap akong bumangon at unti-unting bumaba ng kama. Lumandas ang mga luha ko nang sumirit ang kirot sa p********e ko. Namamaga ito at talagang mahapdi. I was always dreaming of having a great first, but a disaster happened instead.
Mahigit isang oras ang itinagal bago ako nakatapos sa paliligo. Ilang beses na akong nagsabon at nag-scrub pero pakiramdam ko, ang dumi-dumi ko pa rin. Paanong nagawa ng hayop na lalaking iyon na babuyin ako ng ganito? Napaka-demonyo niya!
Paglabas ko ay agad sinagilihan ng takot ang dibdib ko nang makita si Vinzon na nakaupo sa kama. Napalitan na rin ang lahat ng naroroon, mula sa mga unan hanggang sa comforter.
Gusto ko na namang maiyak sa galit. Pero kapag nanlaban ako, lalo lang akong masasaktan. Babae ako, pero hindi man lang siya nagdalawang-isip na saktan ako. Demonyo talaga.
“Kumusta ang pakiramdam mo?”
Nagulat pa ako dahil mababa lang ang boses niya nang magtanong.
“Ano sa palagay mo? Pagkatapos ng mga ginawa mo sa akin, ano sa palagay mo ang nararamdaman ko ngayon?” gusto ko mang pigilan ang sarili ko ay hindi ko maiwasang sumbatan siya.
“Well, kasalanan mo iyan dahil nag-iinarte ka. Asawa na kita kaya obligasyon mo na rin ang paligayahin ako,” nakangising tugon niya sa akin. Lalo lang nag-apoy ang galit sa dibdib ko.
“Kahit kailan hindi ko ginustong maging asawa mo! At wala kang karapatang saktan ako!” tuluyan na akong naiyak sa sobrang sama ng loob. Ngunit tumiim lang ang mukha niya at mabilis na tumayo.
Lumapit siya sa akin at hinaklit ang braso ko. Napadaing ako dahil sa sakit ng higpit nang pagkakahawak niya sa akin.
“Asawa na kita at wala ka nang magagawa doon. I paid billions just to have you here, kaya hindi naman siguro masamang sulitin ko ang pera ko, hindi ba?” pang-uuyam na saad niya. Hindi ko na kaya, mabilis na umigkas ang palad ko at sinampal siya nang malakas.
Lalo namang naging mabangis ang mukha niya at bigla niyang hinila ang buhok ko. Napanganga ako sa pagkabanat ng anit ko at pinagsusuntok ko ang dibdib niya para bitawan niya ako.
“Matapang ka talaga, ha? Tingnan natin kung hanggang saan ang tapang mo,” saad niya at bigla akong binuhat at pabagsak na inihagis sa kama.
“A-anong gagawin mo?” nahihintakutang tanong ko. Nagdidilim sa matinding pagnanasa ang mga mata niya. I swear, mamatay na ako kapag ginalaw pa niya ako ulit. Sobrang sakit pa rin ng p********e ko at hindi ko kakayanin kung aangkinin niya akong muli.
“Ano ang ginagawa sa mga taong ayaw makinig? Tinuturuan ng leksyon, ‘di ba? Basic course iyan sa school. Kaya ngayon, tuturuan kita ng leksyon para malaman mo kung sino ang nagmamay-ari sa iyo. I am your master and you will obey me all the time!” dumagundong ang boses niya sa apat na sulok ng silid at marahas na hinablot ang tuwalyang nakatapis sa katawan ko. Sunod-sunod ang mga naging pag-iling ko dahil sa takot sa maari niyang gawin sa akin.
________________
Hello po,
Baka po gusto nio ng Billionaire Series. Ito po ang pagkakasunod-sunod:
1. A Billionaire's Dark Obsession
2. In Between Hells
3. Chasing Mr. Congressman (Book 1 & 2)
4. Taming Boss Stan'
5. Wild Night with Marco.
6. My Grumpy Boss
7. The Hotelier's Bride