Raven pov. "Naku pati ba naman sa pagkain ng mangga kuhang-kuha mo ang ama mo." nakapout na sabi ni lola. Nagkatinginan naman kami ni papa na magkaparehong may hawak na mangga. Sabay kaming tumawa dahil tama nga si lola parehong-pareho kami ni papa. Buti na lang at may picnic na napagdesisyonang gawin si Roux dahil sa pamamagitan nito masusulit ko na ang araw na kasama sina papa, lolo at lola sapagkat bukas na bukas tiyak na nandito na sina Zai para ako'y sunduin. Kahit napamahal na 'ko sa malaparaisong lugar na ito hindi ko pa rin maalis sa isipan ko ang isang babala, that I can't stay here lalo pa't makakasama ko ang lalaking nanakit sa puso ko ngunit ang pangalan pa rin nito ang pinipintig ng tanga kong puso. Arghhh! Napaka-unfair lang sinubukan ko naman lahat ng paraan para t

