Roux pov Damn! alam kong ako ang tinutukoy ni Rei kanina kaya hindi ko maiwasang titigan ito at hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng sakit at syempre nainis rin ako para sa sarili ko dahil mas napapatunayan lang na ang sama kong lalaki para gawin iyon sa babaeng walang ibang ginawa kundi ang mahalin ako. Pero hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba kasi kanina habang tinititigan ko ito ay nakita ko ang pagbakas ng lungkot sa mga mata ni Rei na kahit pinipilit nitong ipakitang matatag siya ay nakita ko pa rin ang isang emosyon na akala ko'y tuluyan na nitong binura sa sistema niya. Gusto ko tuloy siyang damayan ngunit paano ko ba siya dadamayan kung ako mismo ang nagparamdam nang sakit na iyon? How can I comfort her where in fact I made those scars? Napasabunot ako sa aking buhok dahil

